Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan…

Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito

Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: Lumabas kami para sa paglalakbay,tinamaan ng bato ang isang lalaki mula sa amin ,at nasugatan ito sa ulo.Pagkatapos ay nanagiginip siya [nakikipagtalik] at nagtanong siya sa mga kasamahan niya,siya ay nagsabi: Mayroon ba kayong nakikitang pagpapahintulot sa akin para sa [pagsasagawa ng] Tayammum?Nagsabi sila: Wala kaming nakikita sa iyo na pagpapahintulot habang ikaw ay may kakayahan sa paggamit ng tubig,naligo siya at ikinamatay [niya ito],at nang dumating kami sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ipinaalam namin ito,at sinabi niyang: ((Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito))

[Maganda dahil sa iba pa rito] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Ipinapaalam ni Jabir-malugod si Allah sa kanya-na sila ay lumabas para sa paglalakbay,tinamaan ang isang lalaki mula sa kanila ng bato,at nasugatan ang ulo nito,pagkatapos ay nanaginip siya [naging junub] nagtanong siya sa mga kasamahan niya tungkol sa pagpapahintulot sa paggamit ng tayammum kapalit ng tubig mula sa paghugas sa mga parte [ng katawan],"Nagsabi sila:wala kaming nakikita sa iyo na pagpapahintulot habang ikaw ay may kakayahan sa [paggamit] ng tubig,naligo siya at ikinamatay niya [ito],"Ibig sabihin ay: Hindi ipinapahintulot sa kanya ang pagsasagawa ng tayammum sa kalagayang ito,dahil sa mayroon tubig,at ang pinapahintulutan lamang sa pagsasagawa ng tayammum ay ang walang matagpuang tubig,subalit sa pagkakaroon nito,ay hindi ipinapahintulot sa iyo.Pagkatapos ay naligo siya,at naapektuhan ang sugat niya sa tubig,at ikinamatay niya ito,-malugod si Allah sa kanya-At nang dumating sila sa Madinah,ipinaalam nila ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang nangyari,Pinintasan niya sila sa pagkasabi niya ng :"Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah"Ipinalangin sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sila ang naging dahilan sa pagkamatay nito, dahil sa maling kasagutan nila. "Hindi ba sila maaaring magtanong kapag hindi nila ito napag-alaman" Ibig sabihin: Ang nararapat sa kanila ay magtanong at hindi magmadali sa pagbibigay ng kasagutan,dahil sa ang magiging kasunod nito ay kapinsalaan sa iba,tulad ng nangyari," Sapagkat ang lunas sa kamangmangan ay ang pagtatanong" Walang kakayahan sa pagsagot : Kamangmangan;Ang kahulugan ay:Bakit hindi sila nagtanong kung wala silang kaalaman rito,sapagkat ang lunas sa kamangmangan ay ang pagtatanong,kapag ang tao walang kaalaman sa panuntunan sa Batas ng Islam,Ang lunas sa kamangmangan na ito ay ang magtanong,at huwag magsagot ng anumang bagay na magiging dahilan ng pagkapinsala o kapahamakan ng mga tao.Pagkatapos ay ipinaalam sa kanila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang Panuntunan sa Batas ng Islam sa talakayan na ito,sa pagkasabi niya ng : "Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito"Ito ang nararapat sa kanya,na siyang naaangkop sa pangunahing batayan sa Islam,Subalit ang pagsasatungkulin sa kanya sa pagligo na siyang magiging dahilan ng pagkapinsala ng katawan niya at pagkawasak nito,o pag-kaantala ng paggaling niya,at ito ay salungat sa unang batayan ng Islam,At dahil dito;ipinapahintulot sa may sugat na hugasan lamang sa tubig ,ang ibang parte ng katawan nito,at punasan ang may sugat at sapat na ito, At ang tungkol sa pagsasagawa ng Tayammum,sa [kalagayang] may nakabalot sa sugat,ito ay hindi ipinapahintulot;Dahil ang pagsasagawa ng dalawang uri ng paglilinis sa isang katawan ay salungat sa batayan ng Islam,At marahil sa naisalaysay na Hadith-Si Allah ang higit na nakakaalam-na ang sugat ay nagkaroon ng matinding pangangailangan at nahihirapan o napipinsala siya sa pagtanggal nito;kaya ipinahintulot sa kanya ang pagsasagawa ng tayammum sa ibang parte ng sugat.O marahil na ang mga parte ng katawan na [hinugasan sa pagsasagawa ng] wudhu ay nasugatan,kaya hindi ito maaaring sa malagyan ng tubig,pinalitan niya ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tayammum kapalit ng paghugas ng ibang parte ng katawan.