Tumama ka sa Sunnah,At gagantimpalaan sa iyo ang pagdarasal mo

Tumama ka sa Sunnah,At gagantimpalaan sa iyo ang pagdarasal mo

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya.-nagsabi siya: Lumabas ang dalawang lalaki sa paglalakbay,Dumating ang takdang-oras ng Pagdarasal at wala silang dalang tubig-kaya nagsagawa sila ng Tayammum [Pagdadalisay] sa pamamagitan ng malinis na lupa kaya nagdasal silang dalawa,Pagkatapos ay nakatagpo silang dalawa ng tubig sa oras na yaon,Kaya bumalik ang isa sa kanila sa Pagdarasal at pagsagawa ng Wudhu at hindi bumalik ang ikalawa,Pagkatapos ay dumating sila sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit nila ito sa kanya,Ang sabi niya sa hindi bumalik [sa pagdarasal at pagsagawa ng Wudhu ] Tumama ka sa Sunnah,At gagantimpalaan sa iyo ang pagdarasal mo)),At ang sabi niya sa yaong nagsagawa ng Wudhu at bumalik [sa pagdarasal]: (( Mapapasa iyo ang dalawang beses na gantimpala))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

الشرح

Nagkunwento ang marangal na kasamahan ng Propeta na si Abe Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya.Sinabi niya:(Lumabas ang dalawang lalaki sa paglalakbay,Dumating ang takdang-oras ng Pagdarasal): Ibig sabihin ay:Sumapit ang oras nito.(wala silang dalang tubig-kaya nagsagawa sila ng Tayammum [Pagdadalisay] sa paamagitan ng malinis na lupa);ibig sabihin ay layunin nilang dalawa sa kabilang dakong naitakda,o nagsagawa silang dalawa ng Tayammum [pagdadalisay] sa pamamagitan ng malinis na lupa, (kaya nagdasal silang dalawa,Pagkatapos ay nakatagpo silang dalawa ng tubig sa oras na yaon,Kaya bumalik ang isa sa kanila sa Pagdarasal na may pagsagawa ng Wudhu) Maaaring inakala nilang dalawa na ang unang[isinagawa niya] ay hindi tatanggapin;o ito ay dobleng pag-iingat, ( At hindi bumalik ang ikalawa);Batay sa inakala niya na ang isinagawa niya ay tumpak,(Pagkatapos ay dumating sila sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit nila ito sa kanya) ibig sabihin ay;Kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa,Ang sabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalaaan- sa hindi bumalik [sa pagdarasal at pagsagawa ng Wudhu ] (Tumama ka sa Sunnah),ibig sabihin ay;Tumama ka sa batas ng Islam na pinagpanatili sa Sunnah;(At may gantimpala sa iyo ang pagdarasal mo) Bilang pagbibigay kahulugan sa nauna,at pagpapatibay sa kanya, At ang ikalawa:(Ang sabi niya sa nagsagawa ng Wudhu) ibig sabihin ay ;Pagdarasal (at bumalik); ibig sabihin sa pagdarasal sa yaong oras:((Mapapasa iyo ang dalawang beses na gantimpala)) ibig sabihin ay: Mapapasa iyo ang gantimpala sa pagdarasal na dalawang beses,At ang dalawang ito ay tumpak at may kaakibat na gantimpala,Katiyakan si Allah ay hindi niya hahayaaang mawala ang gantimpala ng sinuang gumagawa ng kabutihan,At dito ay may patnubay na kung saan ang paggawa sa [ isang gawain] na may kasamang pag-iingat ay higit na mainam,Tulad ng sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Iwanan mo ang mga bagay ng gumugulo sa iyo sa mga bagay na hindi gumugulo sa iyo))

التصنيفات

Ang Tayammum