إعدادات العرض
Nagbuhos ako [ng tubig] para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pampaligo,Kumuha siya nito sa kanang [kamay niya] at inilagay niya ito sa kaliwang [kamay niya] at hinugasan niya ang dalawang ito,Pagkatapos ay hinugasan nito ang Ari niya,Pagkatapos ay ihinampas nito ang kamay niya…
Nagbuhos ako [ng tubig] para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pampaligo,Kumuha siya nito sa kanang [kamay niya] at inilagay niya ito sa kaliwang [kamay niya] at hinugasan niya ang dalawang ito,Pagkatapos ay hinugasan nito ang Ari niya,Pagkatapos ay ihinampas nito ang kamay niya sa lupa at ipinahid niya ito sa lupa,pagkatapos ay hinugasan niya,Pagatapos ay nagmumog siya at suminghot [ng tubig],Pagkatapos ay hinugasan nito ang mukha niya,at nagpahid siya [ng tubig] sa ulo niya,pagkatapos ay binaliktad niya ito [sa pagpahid],Hinugasan niya ang dalawang paa niya.Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang Pamunas,ngunit hindi siya nagpunas nito.
Ayon kay Maymunah-malugod si Allah sa kanya-Nagbuhos ako para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang pampaligo,Kumuha siya nito sa kanang [kamay niya] at inilagay niya sa kaliwang [kamay niya] at hinugasan niya ang dalawang ito,Pagkatapos ay hinugasan niya ang harapan niya,Pagkatapos ay ihinampas niya ang kamay niya sa lupa at ipinahid niya ito sa lupa,pagkatapos ay hinugasan niya,Pagkatapos ay nagmumog siya at suminghot [ng tubig],Pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya,at nagpahid siya [ng tubig] sa ulo niya,pagkatapos ay binaliktad niya ito [sa pagpahid],Hinugasan niya ang dalawang paa niya.Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang panyo,ngunit hindi siya nagpunas rito.
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Ang kahulugan ng Hadith:Ipinapahayag ni Maymunah na siya ay naghanda ng Tubig para sa kanya upang makaligo rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa pagiging Junub;Kumuha siya mula sa lalagyan ng tubig gamit ang kanang [kamay niya],at ibinuhus niya ito sa kaliwa niya,Pagkatapos ay hinugasan niya ang yaong dalawang kamay na magkasabay,Sapagat ang dalawang kamay ay kasangkapan sa paglipat ng tubig,Ninais niyang hugasan ang dalawang ito bilang pagkamit sa kadalisayan nilang dalawa at paglilinis sa kanilang dalawa.Hinugasan niya silang dalawa,at sa ibang salaysay,ayon kay Maymunah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa salaysay ni Imam Al-Bukahari:"Hinugasan niya ang dalawang kamay niya nang dalawang beses o tatlo"At pagkatapos niyang hugasan ang dalawang kamay niya,hinugasan niya ang ari niya gamit ang kaliwang kamay niya,upang matanggal ang mga dumi na naging epekto ng Tamud at iba pa.At ang ipinapahiwatig sa Ari rito ay ang harapan.At binibigyang linaw ito sa salaysay ni Imam Al-Bukhari: "Pagkatapos ay linagyan niya ng tubig ang kaliwang [kamay niya],at hinugasan niya ang harapan niya" Pagkatapos ay ihinampas niya ang kamay niya sa lupa,At ang ipinapahiwatig ng paghampas sa lupa ay kamay rito ay: "Ang kaliwang kamay,Binibigyang linaw ito sa salaysay ni Imam Al-Bukhari: "Pagkatapos ay ihinampas niya ang kaliwang kamay niya sa lupa,ipinahid niya ito ng matinding pagpahid" Ipinahid niya ito sa lupa upang matanggal ang mga bagay na sumabit rito ula sa maruming epekto o amoy na hindi kanais-nais.Pagkatapos ay hinugasan niya ang kaliwang kamay sa tubig,upang matanggal ang mga sumabit na lupa at iba pa mula sa mga dumi.Tunay na ang paghuhugas sa dalawang kamay niya at paglilinis niya sa mga [dumi] nakasabit rito ay ipinag-uutos para sa pagmumog at pagsinghot.Pagkakatapos ay hinugasan niya ang mukha niya-at hindi naisalaysay rito na siya ay nagsagawa ng Wudhu-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-,Ngunit sa ibang Hadith nito ayon sa naisalaysay ni Imam Al-Bukhari at Imam Muslim: 'Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Wudhu,ng Wudhu na para sa pagdarasal" At ganyan ito naisalaysay buhat kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Pagkatapos ay Pagkatapos ay naglagay siya ng tubig sa ulo niya,At sa ibang nitong salaysay:" Pagkatapos ay naglagay siya ng tubig sa ulo niya nang tatlong palad,pinuno niya ang palad nito,pagkatapos ay hinugasan niya ang mga natitirang katawan niya"At sapat na ang isang beses lang.kapag nabasa nito ang buong katawan.Pagkatapos ay lumipat siya sa ibang lugar,malayo sa lugar ng paliguan,Hinugasan niya ang dalawang paa niya pagkatapos niyang isagawa ang Wudhu niya at pagligo niya,At hinugasan niyang muli ang dalawang paa niya.Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang pamunas ngunit hindi siya nagpunas rito,at hindi siya nagpahid gamit ang pamunas sa basa ng tubig,At sa ibang salaysay mula sa kanya-malugod si Allah sa kanya-" Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya ang pamunas,ngunit ibinalik niya ito" At sa ibang salaysay:" Ibinigay sa kanya ang pamunas ngunit hindi siya nagpahid rito,at sinasabi niyang: sa tubig na ganito" ibig sabihin ay pinupunas niya.التصنيفات
Ang Ghusl