إعدادات العرض
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung sa aling bahagi ang biyaya."
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung sa aling bahagi ang biyaya."
Ayon kay Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung nasa aling bahagi nito ang biyaya." Sa isang sanaysay: "Kapag bumagsak ang sansubo ng isa sa inyo, kunin niya ito, alisin niya ang anumang duming narito, kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo. Huwag niyang punasan ang kamay niya ng pamunas hanggang sa nadilaan niya ang mga daliri niya sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung nasa aling bahagi ng pagkain niya ang biyaya." Sa isa pang sanaysay: "Tunay na ang demonyo ay pumupunta sa isa sa inyo sa sandali ng bawat anuman sa kalagayan niya hanggang sa pinapuntahan pa siya nito sa pagkain niya kaya kapag bumagsak ang sansubo ng isa sa inyo, kunin niya ito, alisin niya ang anumang duming narito, kainin niya ito, at huwag niyang iwan it sa demonyo."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Nagparating si Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa, buhat sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga magandang kaugalian sa pagkain. Kabilang sa mga ito na kapag ang tao ay natapos sa pagkain, didilaan niya ang mga daliri niya at didilaan niya ang plato. Nangangahulugan ito na sasaidin ito hanggang sa walang matira rito na bakas ng pagkain sapagkat kayo ay hindi nakaaalam kung nasaan sa pagkain ninyo ang biyaya. Gayon din, kabilang sa mga magandang kaasalan sa pagkain na ang tao, kapag bumagsak ang sansubo niya sa lapag, ay hindi mag-iiwan nito. Ang demonyo ay pumupunta sa tao sa lahat ng mga kalagayan niya at kinukuha nito ang pagkaing bumagsak ngunit hindi nito kinukuha iyon samantalang tayo ay nakatingin dahil ito ay isang pangyayaring nakalingid sa pandama natin na hindi natin nasasaksihan. Subalit tayo ay nakaaalam niyon dahil sa ulat ng Propetang nagsasabi ng totoo at pinatotohanan, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, na kinukuha ito ng demonyo at kinakain ito, kahit pa man nanatili ito sa harap natin sa pisikal na kalagayan ngunit kinakain naman nito iyon sa espirituwal na kalagayan. Ito ay kabilang sa mga espirituwal na kalagayan na kinakailangang paniwalaan natin.