إعدادات العرض
Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw.
Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw.
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw. Ayon kay Qatādah bin Malḥān, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-uutos sa amin noon na mag-ayuno sa mga araw ng Bīḍ: sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw." Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi tumitigil sa pag-aayuno sa mga araw ng Bīḍ sa pananatili ni sa paglalakbay."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Kurdîالشرح
Ayon kay Abū Dharr na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kapag nag-ayuno ka, Abū Dharr, sa anumang buwang ng tatlong araw." Ibig sabihin: [Kapag] ninais mong mag-ayuno niyon nang kusang-loob. Ang "mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw" ay nangangahulugang mag-ayuno sa ikalabintatlong araw ng buwan at sa dalawang araw pagkatapos nito. Tinawag ang tatlong ito na mga araw ng Bīḍ, na ang ibig sabihin ay mga araw ng gabing maliwanag dahil sa pagbibigay-liwanag sa mga ito ng buwan. Ang pag-aayuno sa mga ito sa bawat buwan ay itinatagubilin. Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi tumitigil sa pag-aayuno sa mga araw ng Bīḍ" Ibig sabihin ay sa araw ng mga gabing maliwanag. Ito ay ang ikalabintatlo, ang ikalabing-apat, at ang ikalabinlimang araw dahil ang mga ito ay mga araw na maliwanag ang buwan mula sa simula ng mga ito hanggang sa katapusan ng mga ito. Isinabay niya ang pag-aayuno sa mga ito bilang pasasalamant kay Allah pagkataas-taas Niya. Ang sabi niyang "sa pananatili ni sa paglalakbay" ay nangangahulugang ipinagpatuloy niya ang pag-aayuno sa mga ito, nanatili man sa bahay o naglalakbay. Ang pag-aayuno sa mga ito ay tiniyak sunnah. Itinuturing na matimbang na mag-ayuno ng mga ito sa araw ng Bīḍ dahil sa pagiging nasa kaligitnaan ng buwan ang mga ito. Ang kalagitnaan ng bagay ay ang pinakakatamtaman nito. Tingnan: Al-Fatḥ 227/4, Mirqāh Al-Mafātīḥ 566/4, Fayḍ Al-Qadīr 395/1, at Dalīl Al-Fāliḥīn 72/7.التصنيفات
Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob