Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān

Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān

Ayon kay Abū Sa`īd Rāfi` bin Al-Mu`allā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān bago ka lumabas ng masjid?' Kinuha niya ang kamay ko at noong ninais naming lumabas, nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, tunay na ikaw ay nagsabi: Talagang magtuturo nga ako sa iyo ng pinadkakilang kabanata sa Qur'ān.' Nagsabi siya: 'Ang Al-ḥamdu lillāhi rabbi -l`ālamīn (Ang papuri ay ukol kay Allah). ito ay ang pitong inuulit-ulit at ang Dakilang Qur'ān na ibinigay sa akin.'"

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ayon kay Abū Sa`īd Rāfi` bin Al-Mu`allā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi ko ba" Binanggit ito upang tawagan ng pansin ang kinakausap sa sasabihin sa kanya. Ang "ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān bago ka lumabas ng masjid?" Sinabi niya lamang dito iyon at hindi itinuro iyon dito sa simula upang maging higit na kaaya-aya sa pagbukas sa isip nito upang tanggapin nito iyon at pagtuunan nito iyon sa kabuuan. Ang sabi niyang "Kinuha niya ang kamay ko" ay nangangahulugang matapos na sabihin niya iyon at naglakad sila. Ang sabi niyang "at noong ninais naming lumabas, nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, tunay na ikaw ay nagsabi: Talagang magtuturo nga ako sa iyo ng pinakadakilang kabanata sa Qur'ān.'" at ang sabi nyang "Nagsabi siya: 'Ang Al-ḥamdu lillāhi rabbi -l`ālamīn (Ang papuri ay ukol kay Allah)." ay tumutukoy sa Sūrah Al-Fātiḥah. Ito ay naging pinakadakilang kabanata lamang dahil ito ay nagsama-sama sa lahat ng mga layon ng Qur'an. Dahil dito, tinawag ito na Ina ng Qur'an. Pagkatapos ay ipinahiwatig niya ang mga ikinatangi ng Al-Fātiḥah sa iba pang mga kabanata ng Qur'an hanggang sa ito ay maging pinakadakila kaysa sa mga iyon ayon sa sabi niya: "ito ay ang pitong inuulit-ulit." Iyon ay dahil sa inuulit ito sa dasal sa bawat rak`ah, o dahil ito ay inuulit kasama ng ibang kabanata ng Qur'an. O tinawag itong ganoon dahil sa pagkakasaklaw nito sa dalawang bahagi: papuri at panalangin, o dahil natipon dito ang katatasan ng mga kayarian ng mga salita at ang retorika ng mga kahulugan ng mga salita, o dahil ito ay inuulit sa paglipas ng panahon at sinasambit-sambit kaya naman hindi nahihinto at pinag-aaralan kaya naman hindi naglalaho, o dahil sa ang mga pakinabang nito ay nagbabago-bago mula sa isang kalagayan patungo sa isang kalagayan yayamang walang wakas ito. Maaari ring ang inuulit-ulit dito ay tumutukoy sa papuri dahil sa pagkakasaklaw nito sa papuri kay Allah, pagkataas-taas Niya. Para bang ito ay nagpupuri kay Allah sa pamamagitan ng mga napakagandang pangalan Niya at mga katangian Niya. Ang sabi Niyang "ang Dakilang Qur'ān" ay ang ipinangalan din sa Al-Fātiḥah. Ang sabi Niyang "na ibinigay sa akin." ay nangangahulugang ipinagkaloob sa kanya. Ang pagtawag sa Al-Fātiḥah na Dakilang Qur'an ay dahil sa pagkakatipon nito sa lahat ng nauugnay sa mga umiiral sa Mundo at Kabilang-buhay at sa mga panuntunan at mga kapaniwalaan. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn 178-180/6.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kabanata at mga Talata ng Qur'ān