إعدادات العرض
Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās.
Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās.
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî Portuguêsالشرح
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi mo ba napag-alaman". Nangangahulugan ito: Hindi mo ba nalaman. Ito ay pakikipag-usap na laan sa mananaysay ngunit ang pinatutungkulan ay sumasaklaw sa lahat. Ito ay pangungusap ng pagkagulat. Tinukoy nito ang dahilan ng pagkagulat sa sabi niya: "hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito". Nangangahulugan ito: Sa uri nito, ang pagpapakupkop. Ang sabi niya: "kailanman" ay para sa pagtitiyak sa pagkakaila. Ang sabi niya: "Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās" ay nangangahulugang walang matatagpuang mga talata ng mga kabanata ng Qur'an, na pawang panalangin ng pagpapakupkop para sa nagbabasa laban sa pinakamasama sa mga masama, na tulad ng dalawang kabanatang ito. Kapag ipinanalangin ang dalawang ito ng isang nananalangin ng pagpapakupkop kay Allah dahil sa pananampalataya at katapatan, kukupkupin siya ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Kaya ang buod ay na ang tao ay nararapat na dumalangin ng pagpapakupkop gamit ang dalawang kabanatang ito ng Qur'an. Tingnan: Mirqāh Al-Mafātīḥ 4/639, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 4/678.