إعدادات العرض
Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam
Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha Niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam hanggang sa kapag wala na Siyang itinirang isang maalam ay gagawin niya ang mga tao bilang mga pinunong mangmang. Tatanungin sila at maghuhusga sila nang walang kaalaman kaya naman naligaw sila at nanligaw sila."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Kurdîالشرح
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman." Ang tinutukoy rito ay ang Qur'an at ang Sunnah at ang anumang nauugnay sa dalawang ito. Ang "sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao," ay nangangahulugang hindi Niya kinukuha ang kaalaman mula sa mga tao sa pamamagitan ng pag-aangat nito mula sa gitna nila papuntang langit "subalit kinukuha niya ang kaalaman" o inaalis ito "sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam," sa pamamagitan ng pagkuhaa sa kaluluwa nila. Ang "gagawin Niya ang mga tao bilang mga pinunong mangmang" ay nangangahulugang bilang khalīfah, hukom, sanggunian, imām,at shaykh. Ang "Tatanungin sila at maghuhusga sila" ay nangangahulugang sasagot sila at hahatol sila. Ang "nang walang kaalaman kaya naman naligaw sila" ay nangangahulugang sila ay magiging mga naliligaw. Ang "at nanligaw sila" ay nangangahulugang sila ay mga nagliligaw sa ibang mga tao kaya naman lalaganap ang kamangmangan sa Mundo. Sa ḥadīth na ito ay may pahiwatig na ang kaalaman ay aalisin at walang matitira sa lupa na isang maalam na papatnubay sa mga tao sa Relihiyon ni Allah kaya naman guguho ang kalipunang Islam at maliligaw matapos niyon. Tingnan: Mirqāh Al-Mafātīḥ 460/1 at Ṣarḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 452/5.