At nang matapos na ang edad ni Propeta Ādam,ay dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan,Nagsabi siya: Hindi ba't may natitira pa sa edad ko na apat-napong taon?Ang sabi niya (Anghel ng kamatayan): Hindi ba't ipinagkakaloob mo ito sa anak mong si Propeta Dawūd? Nagsabi siya: Tumanggi si Propeta…

At nang matapos na ang edad ni Propeta Ādam,ay dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan,Nagsabi siya: Hindi ba't may natitira pa sa edad ko na apat-napong taon?Ang sabi niya (Anghel ng kamatayan): Hindi ba't ipinagkakaloob mo ito sa anak mong si Propeta Dawūd? Nagsabi siya: Tumanggi si Propeta Ādam,kaya't tumanggi din ang mga anak nito,Nakalimot si Propeta Ādam,kaya't nakalimot din ang mga anak nito,At nagkamali si Propeta Ādam kaya't nagkamli din ang mga anak nito

Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:Sinabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - :(( Nang likhain si Propeta Ādam ay pinunasan ang likod nito, at nahulog mula sa likod nito ang lahat ng buhay (na may kaluluwa) na Siya ang naglikha rito mula sa mga anak niya (Propeta Ādam) hanggang sa Araw ng Pagkabuhay,At ginawa Niya sa pagitan ng mata ng bawat tao na may kislap mula sa liwanag,pagkatapos ay ipinakita niya ito kay Propeta Ādam at sinabi niya: O Panginoon, Sino sila?Nagsabi Siya: Sila ay mga anak mo,at nakita niya ang isang lalaki mula sa kanila,at namangha siya sa kislap na nasa pagitan ng dalawang mata nito,at nagsabi siya:O Panginoon,Sino siya?Nagsabi Siya: Iyan ang lalaki na nagmula pa sa pinakahuling henerasyon ng mga anak mo,Ang tawag sa kanya ay:Dāwūd.Nagsabi siya : O Panginoon, Ilan ang ipinagkaloob Mo na edad niya?Nagsabi Siya: Animnapong taon,Nagsabi siya (Dāwūd): O Panginoon,Dagdagan mo siya mula sa edad ko nang Apat-napong taon. At nang matapos na ang edad ni Propeta Ādam,ay dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan,Nagsabi siya: Hindi ba't may natitira pa sa edad ko na apat-napong taon?Ang sabi niya (Anghel ng kamatayan): Hindi ba't ipinagkakaloob mo ito sa anak mong si Propeta Dawūd? Nagsabi siya: Tumanggi si Propeta Ādam,kaya't tumanggi din ang mga anak nito,Nakalimot si Propeta Ādam,kaya't nakalimot din ang mga anak nito,At nagkamali si Propeta Ādam kaya't nagkamli din ang mga anak nito

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nang likhain ni Allah si Propeta Ādam ay pinunasan niya ang likod nito at nagsilabasan mula sa likod niya ang lahat ng nilalang na Siyang naglikha nito mula sa anak niya (Dāwūd ) hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at ang pagpunas na ito at paglabas ay batay sa katotohanan nito at hindi ipinapahintulot ang pagbibigay rito ng (ibang)kahulugan na sumasalungat sa tunay nitong kahulugan na siyang pinaniniwalaan ng Ahlu Sunnah,At nang pinalabas Niya ito mula sa likod niya,Inilagay Niya sa pagitan ng mata ng bawat nilalang ang kislap at ning-ning na nagmula pa sa liwanag,pagkatapos ay ipinakita Niya ito kay Propeta Ādam,Nagsabi si Propeta Ādam : O Panginoon, Sino sila? Nagsabi Siya-Kataas-taasan Siya: Sila ang mga anak mo,nakita niya ang isang lalaki mula sa kanila at namangha siya sa kislap na nasa pagitan ng kanyang dalawang mata,Nagsabi siya;O Panginoon, Sino siya? Nagsabi Siya-Kataas-taasan Siya: Siya si Dāwūd,Nagsabi siya : O Panginoon, Ilan ang ibinigay Mo na edad niya? Nagsabi Siya : Anim-napong taon, Nagsabi siya : O Panginoon, Dagdagan mo ito mula sa edad ko na apat-napong taon.At nang maubos na ang edad ni Propeta Ādam maliban sa natitirang apat-napong taon,dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan upang kunin ang kaluluwa nito,Ang sabi ni Propeta Ādam :Katotohanan mayroon pang natitira sa edad ko na apat-napong taon, Ang sabi niya sa kanya: katotohanang ipinagkakaloob mo na ito sa anak mong si Dāwūd,at itinanggi ni Propeta Ādam Ādam ito,sapagkat siya ay nabuhay mula sa alabok at hindi niya inakala na darating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan, kaya't tumanggi rin ang mga anak nito, at nakalimot si Propeta Ādam kaya't nakalimot din ang mga anak nito, At nagkasala si Propeta Ādam, kaya't nagkasala din ang mga anak nito,sapagkat ang anak ay magmamana sa ama nito.Si Dāwūd,ang nakasulat sa edad niya ay apat-napong taon pagkatapos ay ginawa ni Allah itong Anim-napong taon,Katotohanan si Allah ay higit na nakaka-alam sa nakalipas na nangyari,at sa anumang mangyayari at sa anumang hindi mangyayari kung mayroon man,at papaano ito mangyayari. Siya ang higit na nakaka-alam sa anumang naisulat Niya sa kanya at sa anumang idadag-dag niya rito sa kanya pagkatapos nito, at ang mga Anghel ay wala sa kanila ang kaalaman maliban sa anumang itinuro sa kanila ng Allah,At katotohanan Si Allah ang higit na nakaka-alam sa lahat ng bagay bago ito maging ganap at pagkatapos nitong maganap;Dahil dito,Nasabi ng mga may kaalaman; Katotohanan ang Pagbura at ang Pag-panatili ay nasa kasulatan ng mga Anghel,Ngunit ang Kaalaman ni Allah-Napaka-maluwalhati Niya,ay hindi nagkakasalungat,at hindi magaganap ang mga bagay(pangyayari) na walang(pahintulot mula sa kanya) maliban sa ito ay Nalalaman Niya,kaya't Walang nabubura rito at walang Pag-papanatili.

التصنيفات

Ang mga Usapin ng Pagtatadhana at Pagtatakda