Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog habang siya ay Junub at hindi siya humahawak ng tubig

Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog habang siya ay Junub at hindi siya humahawak ng tubig

Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: (Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog habang siya ay Junub at hindi siya humahawak ng tubig))

[Tumpak.] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog pagkatapos ng pagtatalik at hindi nadadapuan ng tubig ang balat niya,hindi ang tubig para sa pagsasagawa ng wudhu at hindi rin ang tubig na para sa pagligo,at hindi rin [ginagamit ng] tubig upang hugasan ang harapan niya,Ang Posibilidad na ikalawa: Hindi nadadapuan ng tubig na panligo,maliban sa tubig na ginagamit sa pagsasagawa ng wudhu,At maaaring pag-sahin ang mga Hadith na Tumpak at hayag,Na siya ay naghuhugas ng Harapan niya at nagsasagawa ng Wudhu para sa pagtulog,pagkain,pag-inom at pagtatalik.At kabilang rito :Ang Hadith ni Ibn `Umar;Na si `Umar ay nagsabi: O Sugo ni Allah;Matutulog ba ang isa sa amin kapag siya ay Junub [pagkatapos magtalik]? Nagsabi siya:" Oo,kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu" Napagkaisahan sa Katumpakan.At ayon kay `Ammar bin Yaser: " Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagpahintulot sa Junob [pagkatapos magtalik],Kapag ninais niya na kumain,o uminom o matulog,na magsagawa ng Wudhu niya para sa pagdarasal" Isinaysay ito nina Imam Ahmad at Attermidhi at Tinumpak niya ito,Ngunit ang pagbibigay kahulugang ito tinatanggihan sa kabuuan ng Hadith,At ang maganda ay sabihin na: Siya pagalain siya ni Allah at pangalagaan-sa ibang oras ay hindi humahawak ng tubig batay sa nakaugalian,upang maipahayag ang pagpapahintulot [nito]-,Sapagkat kung pinapanatili lamang niya ito sa kanya,magiging obligado ito.-bilang pagpapadali at pagpapagaan sa Ummah.

التصنيفات

Ang Ghusl