Ang oras ng Dhuhr,kapag lumihis ang araw at ang anino ng lalaki ay kasin-laki nito,na hindi dumarating sa oras ng Asr,at ang oras ng Asr,kapag hindi pa naninilaw ang kalangitan,at ang oras sa dasal ng Maghrib; bago sumapit ang takip-silim,at ang oras sa Dasal ng 'Eishah,hanggang sa hating-gabi ng…

Ang oras ng Dhuhr,kapag lumihis ang araw at ang anino ng lalaki ay kasin-laki nito,na hindi dumarating sa oras ng Asr,at ang oras ng Asr,kapag hindi pa naninilaw ang kalangitan,at ang oras sa dasal ng Maghrib; bago sumapit ang takip-silim,at ang oras sa Dasal ng 'Eishah,hanggang sa hating-gabi ng kalagitnaan nito,at ang oras ng Dasal ng Subh,mula sa pagsikat ng Bukang-liwayway,bago sumikat ang araw,at kapag sumikat ang araw,pigilan ang pagdarasal,dahil ito (ang araw) at sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ni Satanas

Ayon kay 'Abdullah bin 'Amr-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Nagsabi:((Ang oras ng Dhuhr,kapag lumihis ang araw at ang anino ng lalaki ay kasin-laki nito,na hindi dumarating sa oras ng Asr,at ang oras ng Asr,kapag hindi pa naninilaw ang kalangitan,at ang oras sa dasal ng Maghrib; bago sumapit ang takip-silim,at ang oras sa Dasal ng 'Eishah,hanggang sa hating-gabi ng kalagitnaan nito,at ang oras ng Dasal ng Subh,mula sa pagsikat ng Bukang-liwayway,bago sumikat ang araw,at kapag sumikat ang araw,pigilan ang pagdarasal,dahil ito (ang araw) ay sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ni Satanas

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ikinukwento sa Hadith ni `Abdullah bin `Amr ang mga Oras ng Pagdarasal,buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Una:(Oras ng Dhuhr):at tinawag ito na hinango sa pangalan nito na oras ng tanghali,at ito ang tama,at ang kahulugan nito:Ang unang oras nito (Kapag lumihis ang araw): ibig sabihin: lumihis mula sa kalagitnaan ng kalangitan patungo sa dakong Kanluran,at ang magiging kalalabasan nito sa atin,ay sa pamamagitan ng pagdag-dag ng anino nang kasin-laki nito patungo sa dakong Silangan ( at ang) ibig sabihin; ay magiging (anino ng lalaki ay kasin-laki niya) ibig sabihin ay: malapit rito,Hanggang sa oras ng Asr.Ang Pangalawa:Nagsabi siya sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:( At ang oras ng Asr ay) ibig sabihin ay: nagsisimula sa binanggit na anino ng lalaki na kasing-laki nito,at nagpapatuloy na hindi kinamumunghian na (pagdarasal) (kapag hindi pa naninilaw ang kalangitan) ang ibig sabihin dito;sa oras ng pagpipili dahil sa sabi niya sumakanya ang pagpapala at pangangalaga sa Sahehayn:( At Sinuman ang umabot ng isang tindig mula sa oras ng Asr bago lumubog ang araw,tunay na umabot siya sa Asr)) Ibig sabihin ay:naisakatuparan,at sa isang salaysay:"Ang oras ng Asr,hanggat hindi lumulubog ang araw" at sa isang salaysay ni Imam Muslim: Hanggat hindi naninilaw ang kalangitan at nahulog ang una nitong sungay" Ang Pangatlo:( Ang Oras ng Dasal na Maghrib) Binanggit ang Dasal sa mga kalagayan,at binura naman sa panghuli,bilang pagpapatunay ng pagpapahintulot sa dalawang tinutukoy ( Hanggat hindi nagtakip) ibig sabihin ay:hanggat hindi nahuhulog ang ( silim) at ito ay ang mapula-pula na sumusunod sa araw pagkatapos nitong lumubog,at ito ay nagpapatunay sa pagpaparugtong ng oras ng Maghrib hanggang sa paglubog ng Silim,at kapag lumubog ang mga iilan rito,hindi parin pumapasok ang oras ng Eishah,tulad ng hindi pagpasok ng Maghrib dahil sa paglubog ng ilang bahagi (ng araw).At ang Pang-apat:( At ang oras ng Dasal na Eishah) ibig sabihin ay:mula sa likod ng Silim na pinagsama hanggang sa kalahati ng gabi sa kalagitnaan,at ang ibig sabihin dito;ay oras din ng pagpipili,at ang oras ng pagpapahintulot ay pinapalawak hanggang sa pagsikat ng bukang-liwayway.Ang Pang-lima:( At ang oras ng Dasal ng Subh,mula sa pagsikat ng Bukang-liwayway) Ibig sabihin ay: Ang tunay na madaling-araw (bago sumikat ang araw): ibig sabihin: ang ilang bahagi nito (At kapag ito ay sumikat) Ibig sabihin ay: magsisimula sa pagsikat, (Pigilan ang pagdarasal) ibig sabihin ay: Iwan ito,( Sapagkat ito): ibig sabihin ay: Ang araw ( sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ni Satanas) Ibig sabihin ay: Nasa dalawang gilid ng ulo nito,Sapagkat si Satanas ay pinagmamasdan ang oras ng pagsikat ng araw,at pinagtitibay nito ay pagtindig sa mukha ng araw na nakarap sa sinumang nagpapatirapa sa Araw,upang baliktarin ang pagpapatirapa ng mga (Hindi mananampalataya) sa araw, sa pagsamba sa kanya.Kaya`t ipinagbawal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Ummah niya,ang pagdarasal sa oras na ito,Upang maging ang pagdarasal ng sinumang sumasamba kay Allah,ay hindi sa oras ng pagsamba ng sinumang sumasamba kay Satanas.

التصنيفات

Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh