Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdarasal sa sinasakyan niya kahit saan ito nakaharap,at kapag inibig niya ang obligadong dasal,bumababa siya at humaharap sa Qiblah.

Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdarasal sa sinasakyan niya kahit saan ito nakaharap,at kapag inibig niya ang obligadong dasal,bumababa siya at humaharap sa Qiblah.

Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya ay nagsabi: ((Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdarasal sa sinasakyan niya kahit saan ito nakaharap,at kapag inibig niya ang obligadong dasal,bumababa siya at humaharap sa Qiblah.))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay hindi inoobliga sa pagbaba mula sa taas ng sinasakyan niya,datapuwat siya ay nagdarasal rito,at ito ay kapag siya ay nasa paglalakbay,at pinagtitibay ito sa salaysay ni Ibn `Umar sa paglalakbay niya gamit ang sasakyan niya,na kung saan ay humarap siya [kung saan humarap ang sinakyan niya].Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhari;Kapag ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nasa sasakyan niya ,siya ay nagdarasal kung saan nakaharap ang sinasakyan niya,maging ito man ay nakaharap sa Qiblah o hindi nakaharap sa Qiblah,At kapag ang dasal ay obligado,ang limang beses na pagdarasal,siya ay bumababa sa sinasakyan niya,at nagdarasal siya sa lupa na nakaharap sa Qiblah,at sa Hadith ni Ibn Umar-malugod si Allah sa kanya-( Hindi niya ito ginagawa-ibig sabihin;ay ang kusang-loob na dasal sa taas ng sasakyan- sa obligadong dasal) Napagkaisahan sa Katumpakan.Ang dasal na Obligado ay dapat na gampanan sa lupa maliban kung may mabigat na dahilan na pinapahintulutan sa batas ng Islam,tulad ng Pag-ulan,o pagkatakot sa kalaban,hindi kasalanan na ito ay gampanan sa sasakyan,o Sakit at magdadasal siya sa higaan niya na naka-upo at lalong-lalo na kapag nangamba siya sa paglabas ng oras nito.At pinagtitibay ito ng mga patunay sa pagpapadali at pagpapagaan at pag-alis sa mga kahirapan sa Ummah na ito,kabilang dito ay ang sinabi ni Allah Pagkataas-taas Niya: {Walang sinumang kaluluwa ang binigyan ni Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin} at sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:{Kapag nag-utos ako sa inyo ng isang bagay,Gawin ninyo ito sa abot ng inyong makakaya}

التصنيفات

Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh