إعدادات العرض
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagdadasal ng hatinggabi,binabanggit niya ang Allahu Akbar [Ang Allah ay dakila], pagkatapos ay sinasabi niyang: (( Sa Iyo ang kaluwalhatian,o Allah! at pagpupuri, at ipinagpala ang Iyong pangalan,kataas-taasan sa Iyong karangalan,at…
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagdadasal ng hatinggabi,binabanggit niya ang Allahu Akbar [Ang Allah ay dakila], pagkatapos ay sinasabi niyang: (( Sa Iyo ang kaluwalhatian,o Allah! at pagpupuri, at ipinagpala ang Iyong pangalan,kataas-taasan sa Iyong karangalan,at walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo))
Ayon kay Abe Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagdadasal ng hatinggabi,binabanggit niya ang Allahu Akbar [Ang Allah ay dakila], pagkatapos ay sinasabi niyang: (( Sa Iyo ang kaluwalhatian,o Allah! at pagpupuri, at ipinagpala ang Iyong pangalan,kataas-taasan sa Iyong karangalan,at walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo)) Pagkatapos ay sinasabi niyang:(( Walang ibang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah)) ng tatlong beses,pagkatapos ay sinasabi niyang: ((Allah ang pinakadakila)) ng tatlong beses,((Ako ay nagpapakupkop sa Allah -ang nakakarinig at higit na nakakaalam-mula kay satanas na isinumpa,mula sa kanyang bulong,sa kanyang hininga,at mula sa kanyang pagdudura)) pagkatapos ay magbabasa siya
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Ang kahulugan ng hadith : "-Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagdadasal ng hatinggabi,binabanggit niya ang Allahu Akbar [Ang Allah ay dakila]," Ibig sabihin ay binibigkas niya ang Takbiratul Ihram,kung saan ito ay haligi at hindi nagiging ganap ang pagdarasal maliban rito, "pagkatapos ay sinasabi niyang: (( Sa Iyo ang kaluwalhatian,o Allah!" Ibig sabihin ay dinadalisay kita sa lahat ng ,mga bagay na naangkop sa Iyo,at sa kadakilaan Mo o panginoon,at sa lahat ng mga bagay na karapat-dapat para sa Iyo ang pagdadalisay mula sa mga kakulangan at kapintasan, "at pagpupuri" Pagluluwalhati sa Allah-napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, at ang pasasalamat ay ukol sa Kanya dahil sa gabay na ito, Ibig sabihin ay:Kung hindi dahil sa gabay Mo,at patnubay mo,ay Hindi ko magagawang purihin ka,Kaya ito ay pagtanggap o pag-amin ng lingkod sa kainaman ng Allah-pagkataas-taas Niya,at pagtanggap o pag-amin mula sa kawalan niya ng kaakayahan [sa lahat ng bagay] kung hindi dahil sa gabay ni Allah -napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, "at ipinagpala ang Iyong pangalan":mula sa pagpapala, at ito ay pagpapadami at pagpapalawak,at ang kahulugan nito ay: Dumami,naging ganap at lumawak,at dumami ang pagpapala Niya sa kalangitan at kalupaan,at ang lahat ng mga ito ay isang pagpapaalala na pagmamay-ari lamang Niya-napakamaluwahati Niya-ang mga kabutihan,"kataas-taasan sa Iyong karangalan" ; Ang karangalan ay kadakilaan; Ibig sabihin ay;Pumataas at pumitagan ang Iyong kadakilaan,at naging kataas-taasan ito sa lahat ng dakila,at nanaig ang Iyong katayuan sa lahat ng katayuan,at Nangibabaw ang Iyong kapangyarihan sa lahat ng kapangyarihan,kataas-taasan sa Kanyang karangalan-mapagpala Siya at pagkataas-taas,na magkaroon Siya ng katambal sa Kanyang pamamahala,o pagiging diyos na tagapagsustento sa pangangailangan ng nilikha o pagiging diyos na nag-iisang karapat-dapat sambahin,o sa kahit na maliit na bagay mula sa kanyang mga Pangalan at Katangian, Kung-kaya`t nagsabi siya pagkatapos nito na " walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Iyo" Walang tunay na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo,Kaya`t Ikaw ay karapat-dapat sa pagsamba,Ikaw ay nag-iisa at sa Iyo ay walang katambal,tulad ng inilarawan Mo sa Iyong sarili mula sa mga magagandang katangian at mula sa mga pinagbuti Mong maraming biyaya. Ang pambungad na ito ay naglalaman ng papuri sa Allah-pagkataas-taas Niya at pagdadalisay sa Kanya-mula sa lahat ng mga bagay na hindi naangkop sa Kanya,At tunay na Siya-mapagpala Siya at pagkataas-taas-ay dalisay sa lahat ng kapintasan at kakulangan,at ito ay isa sa mga pambungad na panalangin na naitala sa kabanata,at ang pinakamainam ay gamitin ito minsan at ang maliban rito sa ibang pagkakataon,upang maipon ang [lahat ng] patunay sa Sunnah,na walang halong pagpapabaya sa bawat isa rito. At kabilang sa mga bigkasing ito ay ang sabihing: " walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah ng tatlong beses" Ibig sabihin ay: Uulitin ang pagbigkas ng "walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah" ng tatlong beses; At ang kahulugan ng "walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah" Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, Nagsabi Siya-pagkataas-taas Niya:{ Ito ay dahil si Allah-Siya ang katotohanan,at kanilang tinatawagan [mga diyus-diyosan] maliban pa sa Kanya ay kabulaanan} [Al-Hajj:62] Pagkatapos ay sinasabi niyang " Allah ang pinakadakila ng tatlong beses" Ibig sabihin ay si Allah ang pinakadakila sa lahat ng bagay,At pagkatapos ng pagbubungad niya sa kanyang pagdarasal,ay nagpapakupkop siya sa Allah mula sa satanas na isinumpa, sa sinabi niyang: "Ako ay nagpapakupkop sa Allah -ang nakakarinig at higit na nakakaalam" At kahulugan nito ay: Bumabalik ako sa Iyo at nagpapangalaga at nagpapakupkop sa Allah-ang nakakarinig ang higit na nakaka-alam; " Mula sa satanas" ang mapanghimagsik at mapagmataas,mula sa mga satanas ng Jinn at tao "Ang isinumpa" Ang isinumpa at itinakwil,at inilayo sa habag ni Allah-pagkataas-taas Niya,Huwag mo siyang ipanaig sa akin sa mga bagay na makakapinsala sa akin,sa relihiyon ko at sa pamumuhay ko,at huwag mo siyang [hayaang] hadlangan ako sa mga gawaing magbibigay ng pakinabang sa akin,sa aking relihiyon at sa aking pamumuhay, At ang sinuman ang magpakupkop sa Allah-pagkataas-taas Niya,tunay na makapanangan ang kanyang sarili sa isang makapangyarihang tulong [upang mahadlangan ito],at nagpangalaga sa kakayahan ni Allah at kapangyarihan Niya,mula sa kaaway niyang iniibig na putulin [ang kaugnayan niya] sa Panginoon niya,at ihulog siya sa kasamaan at pagkasawi, "mula sa kanyang bulong" ito ay ang pagiging baliw at pagkawala ng tamang pag-iisip;dahil ang satanas ay maaaring makapinsala ng tao at maging baliw,kaya ipinag-utos ang pagpapakupkop mula rito, "sa kanyang hininga" Ang pagmamataas niya,dahil si satanas ay humihinga sa tao sa pamamagitan ng pagbubulong niya,hanggang sa magmalaki siya sa sariling paningin niya at maliitin nito ang iba sa kanya,at madadagdagan ang pagmamataas niya at mayabang niya. " mula sa kanyang idinudura" ito ang karunungang-itim, ang pinakamasama sa karunungang-itim-dahil ang mga idinudura [na ibinubulong] mula sa nakatali ay ang karunungang itim,na siyang itinatali sa mga sinulid at idinudura ito sa bawat sinulid hanggang sa ito ay maitali sa anumang maibigan mula sa karunungang itim," Pagkatapos ay magbabasa siya" Ibig sabihin ay magbabasa ng Qur-an at ang una nito ay ang pambungad ng Aklatالتصنيفات
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh