إعدادات العرض
Paglalarawan sa ilang bahagi ng biyaya ng loob ng puntod at ang panghihirap sa loob nito
Paglalarawan sa ilang bahagi ng biyaya ng loob ng puntod at ang panghihirap sa loob nito
Mula kay Abu Hurayrah -kalugdan siya ng Allah- ay nagsabi: Sabi ng Sugo ng Allah -pagpalain siya ng Allah at pangalagaan-: kapag nailibing na ang patay -o sabi niya: isa sa inyo- dumating sa kanya ang dalawang anghel maitim na dalawa at asul na dalawa, ang tawag sa isa sa kanila: Almunkar, at sa iba: Annakeer, at ang sabi nilang dalawa: ano ang iyong masasabi sa lalaking ito? at siya ay sasagot: ang sinabi niya sa kanya: siya ay alipin ng Allah at sugo Niya, Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos karadapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at katotohanan si Muhammad ay alipin Niya at sugo Niya, at sabi nilang dalawa: katotohanan alam na namin na sasabihin mo iyan, pagkatapos paluluwagin sa kanya ang kanyang puntod ng pitumpung Dhira' (55 hanggang 80 sentimetro) sa pitumpung Dhira', pagkatapos paliliwanagin sa kanya ang loob niya, pagkatapos sasabihin sa kanya: matulog ka na, at sasagot siya: babalik ako sa aking pamilya at babalitaan ko sila, at ang sabi nilang dalawa: matulog ka na kasing tulog ng isang katipan na hindi siya magigising kundi kahabagan siya ng kanyang pamilya, hanggang sa bubuhayin siya muli ng Allah mula sa kanyang hinigaan, at kapag ang kanyang kalagayan ay isang mapagkunwari ang sasabihin niya: narinig ko ang mga tao ay nagsasabi, kaya sinabi ko din tulad nila, hindi ko alam, at ang sabi nilang dalawa: katotohanan alam na namin na sasabihin mo iyon, at sasabihin sa lupa: higpitin mo sa kanya, at hihigpit na nga siya sa kanya, at nagkakasalungat ang kanyang mga tadyang, at manatili siyang maghihirap hanggang sa bubuhayin ulit siya ng Allah mula sa kanyang hinigaan.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو हिन्दी 中文 ئۇيغۇرچە Kurdî Русскийالشرح
Kapag naiburol ang isang patay dadating sa kanya ang dalawang anghel, dalawang itim dalawang asul, ang pangalan ng isa sa kanila: ay si Munkar at ang isa ay si Nakeer, at ang sabi nilang dalawa sa kanya: ano ang iyong masasabi sa lalaking ito? ibig nilang sabihin ay ang Propeta -Sumakanya nawa ang kapayapaan at pangangalaga-. Ang sagot niya: Siya ay alipin ng Allah at sugo Niya, ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at katotohanan si Muhammad ay alipin Niya at sugo Niya. At sagot nila: Katotohanan batid na namin na sasabihin mo ito. At pagkaraan ay paluluwagin sa kanya ang loob ng kanyang puntod ng pitumpung dhira' (katumbas ng 50-80 sentimetro) sa pitumpung dhira' at paliliwanagin ang loob ng kanyang puntod, at pagkatapos sasabihin sa kanya: matulog ka na. At ang sabi niya: nais kong babalik sa aking pamilya at sasabihin sa kanila na ang aking kalagayan ay mabuti at nang sa gayon sila ay masaya at hindi sila mag-alala sa akin. At sabi nilang dalawa sa kanya: matulog ka na kasing tulog ng isang katipan na hindi siya magigising kundi kahabagan siya ng kanyang pamilya, at matutulog siya ng maayos hanggang sa bubuhayin siya ng Allah sa araw ng paghuhukom. At kapag ang kalagayan niya ay isang Munafiq (mapagkunwari) ang kanyang sasabihin: Narinig ko ang mga tao ay nagsasabi ng isang sasabihin, na siya ay si Muhammad sugo ng Allah, kaya sinabi ko din tulad ng kanilang pinagsasabi, at hindi ko alam na siya ba ay Sugo ng Allah sa katunayan o hindi. At sabi nilang dalawa: batid na namin na sasabihin mo iyon, at sasabihin sa lupa: makianib ka at makiisa ka laban sa kanya at hihigpitan o iipitin mo siya, at nagtitipon-tipon ang mga bahagi niya laban sa kanya hanggang sa matatanggal sa kanya ang mga tadyang niya mula sa dating magkapantay-pantay na anyo dulot ng higpit ng panggigipit sa kanya at pagpapahirap sa kanya at pamimiga sa mga parte ng kanyang katawan at pagkakalampas ng kanyang dalawang gilid mula sa isa papunta sa isa, at manatili siya sa ganong kalagayan na magdurusa hanggang sa bubuhayin ulit siya ng Allah sa araw ng paghuhukom.التصنيفات
Ang Buhay Pang-Barzakh