Huwag ninyo itong gawin,Kapag nakapagdasal ang isa sa inyo sa kanyang paglalakbay at inabutan niya ang Imam na hindi pa nkapagdasal,Magdasal siya kasama niya,sapagkat sa kanya,ito ay [magiging] kusang-loob

Huwag ninyo itong gawin,Kapag nakapagdasal ang isa sa inyo sa kanyang paglalakbay at inabutan niya ang Imam na hindi pa nkapagdasal,Magdasal siya kasama niya,sapagkat sa kanya,ito ay [magiging] kusang-loob

Ayon kay Jābir bin Yazed bin Al-Aswad,Na siya ay Nagdasal kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay batang binata,Nang siya ay magdasal,kung kaya`t mayroon dalawang lalaking hindi nagdasal sa may tabi ng Masjid,ipinatawag niya silang dalawa at dumating sila sa kanilang dalawa na nanginginig ang mga kalamnan nila,Nagsabi siya:((Ano ang pumipigil sa inyong dalawa na magdasal sa amin?)) Nagsabi silang dalawa: Nakapagdasal na kami sa paglalakbay namin,Ang sabi niya:((Huwag ninyo itong gawin,Kapag nakapagdasal ang isa sa inyo sa kanyang paglalakbay at inabutan niya ang Imam na hindi pa nkapagdasal,Magdasal siya kasama niya,sapagkat sa kanya,ito ay [magiging] kusang-loob.

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

الشرح

Nagkukwento si Yazed bin Al-Aswad na siya ay nagdasal kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at siya ay binata pa,At nang natapos ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagdarasal niya,nakita niya ang dalawang lalaki na hindi nagdasal sa tabi ng Masjid,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga kasamahan niya na papuntahin sila,Dumating sila sa kanila na nanginginig at nababalisa sa takot,Sinabi sa kanilang dalawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Bakit hindi kayo nagdasal sa amin?Nagsabi silang dalawa:Nakapagdasal na kami sa mga tahanan namin,Ang sabi niya:Huwag ninyong gawin ito sa uulitin.Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa bahay niya at inabutan niya ang Imam na siya ay nagdadasal,Magdasal siyang kasama niya sapagkat sa kanya ito karagdagang gantimpala,at ang una ay magiging obligado at ang ikalawa ay Kusang-loob na dasal.

التصنيفات

Ang mga Patakaran ng Imām (Pinuno) at Ma`mūm (Pinamumunuan) sa Ṣalāh