Hindi ipinapahintulot ang mga nadambong sa sinuman sa mga nauna sa amin,Pagkatapos ay ipinahintulot ni Allah sa amin ang mga nadambong,nang makita Niya sa amin ang kahinaan at kawalan ng kakayahan,Ipinahintulot niya ito sa amin

Hindi ipinapahintulot ang mga nadambong sa sinuman sa mga nauna sa amin,Pagkatapos ay ipinahintulot ni Allah sa amin ang mga nadambong,nang makita Niya sa amin ang kahinaan at kawalan ng kakayahan,Ipinahintulot niya ito sa amin

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu :((Nakipagdarambong ang mga Propeta-ang pagpapala ni Allah at pangangalaga ay mapasakanila-Sinabi niya sa mga tao niya:Hindi susunod sa akin ang lalaking nakasal ngunit hindi niya ito nagalaw,at ang isa na nagpatayo ng bahay ngunit hindi niya naitaas ang bubong nito,at ang isa na bumili ng tupa o kamelyong buntis at hinihintay niya ang panganganak nito,Nakipagdarambong siya,at lumapit siya sa mga tao sa oras ng dasal na Asar o malapit rito,Sinabi niya sa Araw:Tunay na ikaw ay napag-utusan at ako ay napag-utusan,O Allah,pigilan mo ito para sa amin,Napigilan ito hanggang sa igawad ni Allah ang tagumpay sa kanya,Inipon niya ang mga nadambong,Dumating -ang apoy-upang kainin ito,ngunit hindi niya ito nakain,Nagsabi siya:Tunay na sa inyo ay magnanakaw,kaya tunay na manumpa sa akin ang lalaki mula sa bawat tribo.Naging malagkit ang kamay ng isang lalaki sa [paghawak sa] kamay niya.nagsabi siya:Sa inyo ay may magnanakaw,hayaan mong manumpa ang[bawat isa sa] tribo mo,at naging malagkit ang kamay ng dalawang kalalakihan o tatlo sa [paghawak sa] kamay niya,Nagsabi siya:Sa inyo ay may magnanakaw,;Dinala nila ang isang ulo ,tulad ng ulo ng baka na mula sa ginto,Inilagay niya ito,at dumating ang apoy at kinain niya ito,Hindi ipinapahintulot ang mga nadambong sa sinuman sa mga nauna sa amin,Pagkatapos ay ipinahintulot ni Allah sa amin ang mga nadambong,nang makita Niya sa amin ang kahinaan at kawalan ng kakayahan,Ipinahintulot niya ito sa amin.))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ayon sa isang Propeta mula sa mga Propeta-sumakanila ang pagpapala at pangangalaga-na siya ay nakipagdarambong sa mga taong ipinag-utos sa anya ang pakikibaka rito,Subalit siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay humadlang sa lahat ng taong ikinasal sa isang babae at hindi niya ito nagalaw,at sa lahat ng taong nagpatayo ng bahay ngunit hindi pa naitaas ang bubong nito,at sa lahat ng taong bumili ng tupa o kamelyong buntis ngunit hinihintay niya ang panganganak nito,Dahil silang lahat ay magiging abala,sa [mga bagay] na higit na mahalaga sa kanila,Ang lalaking ikinasal,ay magiging abala sa asawa niyang hindi pa niya nagalaw,mananabik siya sa kanya,At gayundin ang lalaking nagpatayo ng bahay ngunit hindi niya [nalagyan ng] bubong,siya rin ay magiging abala sa bahay niya na ninanais niyang tirahan,siya at ang pamilya nito,at gayundin ang nagmamay-ari ng mga buntis na kamelyo at tupa,magiging abala sila sa paghihintay ng panganganak nito.At sa pakikibaka, kinakailangan na ang tao rito ay ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang oras ,wala siyang ibang hinahangad maliban sa pakikibaka,Pagkatapos ang Propetang ito ay nakipagdarambong,Bumaba siya sa mga tao sa dasal na Asar,at dumarating na ang gabi.At natakot siya na kapag inabutan sila ng gabi ay walang magaganap na tagumpay;Kayat kinausap niya ang Araw at sinabi niyang:Ikaw ay napag-utusan at ako ay napag-utusan.Subalit ang ipinag-utos sa Araw ay kautusan sa kamunduan,Ngunit ang kautusan Niya ay kautusan sa Relihiyon.Siya ay napag-utusan sa pakikibaka habang ang Araw naman ay napag-utusan sa paggalaw ayon sa ipinag-utos sa kanya ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,Sinabi ni Allah: {At ang araw ay umiinog sa kanyang takdang landas sa [natatanginang] panahon.Ito ang Pagtatakda ng Sukdol sa Kapangyarihan,Ang Ganap na Maalam} [Yasin:38].Buhat ng likhain ito ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,At siya ay gumagalaw ayon sa naipag-utos sa kanya,hindi siya nauuna at hindi siya nagpapahuli,hindi siya bumababa at hindi siya tumataas Nagsabi siya: " O Allah,pigilan ninyo ito sa amin" Pinigilan ni Allah ang Araw at hindi ito lumubog sa oras nito.Hanggang sa nakipagdarambong ang Propetang ito,at nakakuha siya ng napakaraming nadambong,At nang makuha na niya ang mga nadambong,At ang mga nadambong sa mga naunang henerasyon,ay hindi ipinapahintulot para sa mga nandarambong,subalit ipinapahintulot ngayon ang mga nadambong,ito ay kabilang sa kainaman ng Nasyon na ito,Ang lahat ng Papuri ay sa Allah, Ngunit sa mga naunang henerasyon,iniipon nila ang mga nadambong at bumababa rito ang apoy mula sa kalangitan at sinusunog niya ito,kung ito ay tinanggap ni Allah.Inipon nila ang mga nadambong subalit hindi bumaba rito ang apoy at hindi ito nakain,Sinabi [sa kanila ng] Propetang ito: Mayroon sa inyo ang magnanakaw,Pagkatapos ay ipinag-utos niya sa bawat tribo na lumapit ang isa [sa kanila] at manumpa na walang nagnakaw,At nang manumpa sila sa kanya na walang magnanakaw,naging malagkit ang kamay ng isa sa kanila sa [paghawak] sa kamay ng Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-At nang maging malagkit ito,Nagsabi siya: Mayroon sa inyo ang magnanakaw-Ibig sabihin ay sa Tribong ito-Pagkatapos ay ipinag-utos niya na manumpa sa kanya ang bawat isa sa tribong ito,Kaya naging malagkit ang kamay ng dalawang kalalakihan o tatlo sa kanila,Nagsabi siya: Mayroon sa inyo ang magnanakaw: Dinala nila sa kanya,kung-kaya`t itinago nila ang tulad ng ulo ng baka mula sa ginto,At nang dalhin nila ito sa kanya at nailagay kasama sa mga nadambong,kinain ito ng apoy.

التصنيفات

Ang mga Kuwento at ang mga Kalagayan ng mga Naunang Kalipunan, Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Zakāh