Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikinakalat nito ang lihim niya.

Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikinakalat nito ang lihim niya.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikakalat nito ang lihim niya))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ipinapahayag ng Marangal na Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kabilang sa may pinakamasamang kalalagyan para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay yaong [taong] nagtatangi ng ganitong pagtataksil,Siya ang taong nagsasadyang ipagkalat ang lihim ng [gawaing] mag-asawa sa bahay,Kung saan ay walang nakakakita rito maliban sa dalawang mag-asawa,Sa Hadith na ito,ay ipinagbabawal sa lalaki ang pagkalat sa anumang pangyayaring nagaganap sa pagitan nilang mag-asawa,mula sa mga bagay na pagtatalik at paglalarawan sa mga detalye nito,at [pagdedetalye] sa anumang ginagawa niya sa asawa, mula sa pananalita at gawa at mga katulad nito.Sapagkat ang karaniwang pagbigkas ng pagtatalik,at walang maidudulot na magandang bagay,at hindi naman kinakailangan [bigkasin] ito ay Makruh [Kinasusuklaman],sapagkat ito ay sumasalungat sa magandang kaasalan.At tunay na nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangaalagaan-"Sinuman ang naniniwala kay Allah sa Kabilang-buhay,ay magsalita ng mabuti o manahimik", At kapag ito ay kinakailangan at magdudulot ng magagandang bagay,tulad nang; pagtanggi niya sa pag-alok nito sa kanya,o nais niyang ipahayag na siya ay walang kakayahang makipagtalik sa kanya,o ang mga tulad pa nito.[Sa ganitong pagkakataon] Hindi Makruh [Kinasusuklaman] ang pagbanggit nito dahil sa ito ay nagdudulot ng kabutihan at ito ay napatunayan sa Sunnah.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Pag-aasawa