إعدادات العرض
Kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan ng kabutihan ay madaliin niya sa kanya ang parusa sa mundong ibabaw, at kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan siya ng kasamaan ay kanya itong pipigilan bunsod ng kanyang nagawang kasalan at ito'y ibibigay sa kanya sa…
Kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan ng kabutihan ay madaliin niya sa kanya ang parusa sa mundong ibabaw, at kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan siya ng kasamaan ay kanya itong pipigilan bunsod ng kanyang nagawang kasalan at ito'y ibibigay sa kanya sa kabilang buhay.
Mula kay Anas -Malugod sa kanya ang Allah- katotohanan na ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: "Kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan ng kabutihan ay madaliin niya sa kanya ang parusa sa mundong ibabaw, at kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan siya ng kasamaan ay kanya itong pipigilan bunsod ng kanyang nagawang kasalan at ito'y ibibigay sa kanya sa kabilang buhay".
[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Sinabi ng Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan- Katotohanan na ang palatandaan ng kabutihang pagpapasya ng dakilang Allah sa alipin niya ay madaliin niya ang pag-bibigay ng parusa sa kanya bunsod ng nagawang kasalanan dito sa mundo hanggang sa lumabas siya sa mundo wala na siyang kasalanan na ibibigay sa kanya sa kabilang buhay; dahil ang sinuman ang natantya ang kanyang gawain dito sa mundo ay gagaan ang kanyang pagkakautang sa kabilang-buhay. At mula sa mga palatandaan ng masamang-atas sa isang alipin ay di pagbabayad sa kasalanang nagawa dito sa mundo hanggang dumating sa araw ng paghuhukom ay dala-dala ang mga kasalanan at ibibigay sa kanya, tutumbasan siya kung ano ang nararapat sa kanya sa araw ng pagkabuhay.التصنيفات
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa