إعدادات العرض
Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,
Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,Ito ay dahil: sa kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu at pinagbuti ito,pagkatapos ay pumunta siya sa Masjid,at walang ibang dahilan na nagpalabas sa kanya maliban sa pagdarasal; Walang hakbang na hahakbangin niya maliban sa itoy magpapataas ng antas niya,at magbubura sa mga kasalanan niya.At kapag nagdasal na siya,nananatili ang mga Anghel sa pananalangin para sa kanya,habang nananatili siya sa pinagdadasalan niya.O Allah! pangalagaan mo siya,O Allah! patawarin mo siya,O Allah! mahabag ka sa kanya,At mananatili siya sa pananalangin hanggat naghihintay siya ng pagdarasal))
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Portuguêsالشرح
Ipinapahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang dasal ng lalaki [kasama ang ] Jamaah ay nagpapadagdag ng kabayaran at gantimpala sa dasal nito sa bahay at tindahan niya,ibig sabihin ay nag-iisa.Tulad ng pagtalikod niya sa pagharap ng Dasal na Jamaah,At dahil ang kadalasan sa ginagawa nito sa bahay at tindahan ay ang pag-iisa.At ang dami ng idinadagdag ay dalawamput limang dagdag.At sa sinabi niyang: ( At ito ay dahil) Kung ang ipinapahiwatig rito ay ang kainaman ng Dasal na Jamaah sa dasal ng nag-iisa,Kinakailangan, ang pagtatalaga ng Jamaah ay sa Masjid,At ang sinabi niyang: (Tunay na siya) ibig sabihin ay ang kapakanan niya o Ang lalaking, kapag nagsagawa ng Wudhu ay pinagbubuti niya,ibig sabihin ay ginawa niya itong ganap na may kasamang pagsasagawa ng mga Sunnah at Magandang kaugalian,Pagkatapos ay pumunta siya sa Masjid,at humaharap [sa direksiyong ito],walang ibang dahilan sa paglabas niya maliban sa pagdarasal-Kapag mayroong ibang dahilan sa paglabas niya maliban rito,o may kasama pang ibang dahilan,mawawala sa kanya ang mga sumusunod-:Walang hakbang na hahakbangin niya maliban sa itoy magpapataas sa antas niya,at magbubura sa mga kasalanan niya,Ibig sabihin ay mula sa mga maliliit na kasalanan na may kinalaman sa karapatan ni Allah-Pagkataas-taas Niya,Kapag nagdasal siya,nananatili ang mga Anghel na nananalangin para sa kanya,Humihiling ng habag at kapatawaran para sa kanya,habang siya ay nasa pinagdadasalan o naka-upo rito,At maaaring ang tinutukoy rito ay habang nagpapatuloy siya rito [sa pagdarasal] kahit na siya ay nakahiga,at hindi nilabasan ng dumi [napawalang bisa ang wudhu].Sinasabing : ( O Allah!pangalagaan mo siya,O Allah! Mahabag ka sa kanya);At mananatili ang taong nagdarasal sa pananalangin,hanggat naghihintay siya ng pagdarasal,Ibig sabihin ay:Sa tagal ng paghihintay niya rito.