إعدادات العرض
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Dhuhr sa katindian ng init ng araw,at ng `Asr, na ang araw ay napakaliwanag,at ng Maghrib, kapag ito ay lumubog
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Dhuhr sa katindian ng init ng araw,at ng `Asr, na ang araw ay napakaliwanag,at ng Maghrib, kapag ito ay lumubog
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh Al-Ansariy, malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: ((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Dhuhr sa katindian ng init ng araw,at ng `Asr, na ang araw ay napakaliwanag,at ng Maghrib kapag ito ay lumubog,at ang `Eishah,minsan ay sa oras at minsan ay [sa ibang] oras; Kapag nakita niya sila na natipon,minamadali niya ito,at kapag nakita niya silang nahuhuli,ipinagpapahuli niya ito,At sa Subh,ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal rito sa oras ng paghalo ng liwanag sa dilim))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdîالشرح
Sa Hadith na ito ay ipinapahayag ang pinakamainam sa oras ng pagsasagawa ng limang beses na pagdarasal,Ang dasal na Dhuhr: Kapag lumihis ang araw mula sa kalagitnaan ng langit,ito ang oras ng paglihis,ang nang [nakatakdang] oras nito, At ang `Asr:Ay ipinagdarasal habang ang araw ay nananatili sa kanyang liwanag at linaw,hindi ito nahaluan ng kulay dilaw para sa paglubog.at ang sukat nito ay kapag ang anino ng lahat ng bagay ay katulad nito,pagkatapos ng anino sa paglihis. At ang Maghrib: ay idinadasal sa oras ng paglubog ng araw sa pagkawala nito, At ang `Eishah: Ay tinitingnan niya rito ang kalagayan ng mga nagdarasal,Kapag nakadalo silang lahat sa unang oras nito,at ito ang pagkawala ng takipsilim na pula,ay nagdarasal sila.,At kapag hindi sila nakadalo,ipinagpapahuli niya ito hanggang sa paglapit ng unang kalahati ng gabi,dahil ang oras na ito ang siyang pinaka-mainam,kung hindi lamang ang kahirapan. At ang dasal ng Subh,ay isinasagawa sa unang paghalo ng liwanag sa gabi.التصنيفات
Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh