إعدادات العرض
O malaking tiyan, lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin.
O malaking tiyan, lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin.
Aṭ-Ṭufayl bin Ubayy bin Ka`b, siya noon ay pumupunta kay `Abdullāh bin `Umar at pumupunta siya kasama nito sa umaga sa palengke. Nagsabi siya: Kapag pumunta kami sa palengke, walang nadadaanan si `Abdullāh na isang naglalako ng pinamulot, ni isang may-ari ng mga paninda, ni isang dukha, ni isa man, malibang bumabati siya rito. Nagsabi si Aṭ-Ṭufayl: Pumunta ako kay `Abdullāh bin `Umar isang araw at pinasunod niya ako sa Palengke kaya sinabi ko sa kanya: Ano ang gagawin mo sa palengke samantalang ikaw ay hindi naman tumitigil para magtinda, hindi naman nagtatanong tungkol sa mga paninda, hindi naman nakikipagpalitan ng mga ito, at hindi namn umuupo sa mga pagtitipon sa palengke? Sinabi ko: Umupo ka sa amin dito; mag-uusap tayo. Nagsabi siya: O malaking tiyan - si Aṭ-Ṭufayl ay may malaking tiyan - lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausaالشرح
Na si Aṭ-Ṭufayl bin Ubayy bin Ka`b ay pumupunta noon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanya, palagi. Pagkatapos ay pumupunta siya kasama nito sa palengke. Nagsasabi si Aṭ-Ṭufayl: "Kapag pumasok kami sa palengke, hindi napadadaan si `Abdullāh bin `Umar sa tagapagtinda ng mga pinamulot, ito ay may-ari ng mga panindang mahinang uri; ni sa may-ari ng paninda, ito ay may-ari ng mga panindang magandang uri na mahal ang halaga; ni sa isang dukha; ni sa isa mang tao malibang binabati niya ito." Ibig sabihin: Siya ay bumabati noon sa bawat makatagpo niya maliit man o malaki, mayaman man o maralita. Nagsasabi si Aṭ-Ṭufayl: "Pinuntahan ko si `Abdullāh bin `Umar isang araw." Ibig sabihi: dahil sa isang pakay at hiniling nito sa kanya na sundan siya sa palengke. Nagsasabi si Aṭ-Ṭufayl: "Ano ang gagawin mo sa palengke samantalang ikaw ay hindi naman tumitigil para magtinda, ibig sabihin: hindi ka nagtitinda at hindi ka bumibili; bagkus hindi naman nagtatanong tungkol sa mga paninda; hindi naman nakikipagpalitan ng mga ito; at hindi gumagawa ng anumang sa mga bagay na ginagawa sa mga palengke! Kapag ang isa mula sa mga dahilan ng pagpunta doon ay hindi naganap, ano pa ang pakinabang sa pagpunta mo sa palengke, kung wala ka namang pangangailangan doon?" Kaya nagsabi sa kanya si Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanya: "O malaking tiyan - si Aṭ-Ṭufayl ay may malaking tiyan. Ibing sabihin: ang tiyan niya ay hindi kapantay ng dibdib niya, bagkus lumalampas doon - lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin." Ibig sabihin: Na ang iniibig gawin sa pagpunta sa palengke hindi sa layong bumili o umupo roon, bagkus sa layong magtamo ng mga magandang gawang natatamo bunga ng pagbigay ng pagbati.