Tunay na sa gabi ay may oras na kapag natapatan ng isang taong Muslim na humihiling kay Allah, pagkataas-taas Niya, ng kabutihang kabilang sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, bibigyan siya nito. Iyon ay sa bawat gabi.

Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na sa gabi ay may oras na kapag natapatan ng isang taong Muslim na humihiling kay Allah, pagkataas-taas Niya, ng kabutihang kabilang sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, bibigyan siya nito. Iyon ay sa bawat gabi."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Sa bawat gabi ay may oras na tinutugon doon ang panalangin. Kaya kapag natapatan ito ng isang taong Muslim na hindi dumadalangin doon ng isang ipinagbabawal, tutugunin ni Allah ang panalangin niya. Ito ay ang huling ikatlong bahagi ng gabi, gaya ng nasaad sa mga ibang tumpak na teksto.

التصنيفات

Ang mga Kadahilanan ng Pagsagot [ni Allāh] sa Du`ā' at mga Nakahahadlang Dito