Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad

Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad

Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Mayroon isang lalaki na nagkautang sa Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at nakahiram siya sa lalaking ito ng maliit na kamelyo,Dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na naniningil ng pagkakautang sa kanya at naging mapusok siya sa paniningil niya.Kaya ninais ng mga kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na paluin nila ito dahil sa pagiging mapusok niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at masamang pag-asal niya sa kanya, Ang sabi ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan:Hayaan ninyo siyang sabihin ang ninanais niya, at huwag kayong manakit sa kanya,Sapagkat ang nagnamay-ari ng karapatan ay mayroong karapatan sa paniningil ng pagkaka-utang sa Kanya na mabayaran ang utang at ang mga tulad pa nito,subalit may kasamang magandang asal sa paniningil,subalit ang pag-aalipusta,pang-iinsulto at paninirang-puri, ay hindi kabilang sa magandang asal ng Muslim.Pagkatapos ay inutos ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-sa mga kasamahan niya, na bigyan siya ng kamelyo mula sa mga kamelyo bilang kawanggawa,na katulad ng kamelyo niya sa gulang.Ang sabi nila:Wala kaming matagpuan maliban sa kamelyo na mas malaki sa kamelyo niya.Ang sabi niya:Bigyan ninyo siya ng kamelyo na mas malaki sa kamelyo niya; Dahil ang pinakamainam sa inyo, sa pakikisalamuha sa mga tao,at may pinakamaraming gantimpala, ay yaong may pinakamabuti sa inyo sa pagbabayad ng mga karapatan,sa pinagkakautangan niya o sa iba pa.

التصنيفات

Ang Pautang, Ang Kabaitan Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan