Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha…

Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig.

[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang sinumang bumangon sa gabi, nagdasal, nanggising ng maybahay niya para magdasal at tumanggi ito dahil sa pananaig ng tulog at tindi ng katamaran, magwiwisik siya sa mukha nito ng kaunting tubig sapagkat ito ay karapat-dapat sa awa ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Gayon din kapag ginawa naman ng babae iyon sa asawa niya.

التصنيفات

Ang mga Kahatulan Para sa mga Babae