Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito.

Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito.

Ayon kay Ka`b bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain noon sa pamamagitan ng tatlong daliri: ang hinlalato, ang hintuturo, at ang hinlalaki. Ito ay nagpapatunay sa kawalan ng katakawan at kasibaan sa pagkain. Kapag natapos siya sa pagkain niya, dinidilaan niya ang mga daliri niya. Kaya ang itinuturing na kaibig-ibig ay na ang pagkain ay sa pamamagitan ng tatlong daliri malibang kapag ang pagkain ay hindi maaaring hawakan ng tatlong daliri kaya naman sa pamamagitan ng anumang madali.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagkain at Pag-inom, Ang Piging ng Kasal