Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi ito naghihingalo.

Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi ito naghihingalo.

Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi ito naghihingalo."

[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi umabot ang kaluluwa sa lalamunan sapagkat kapag umabot ang kaluluwa sa lalamunan, wala nang pagbabalik-loob at dahil ang sabi Niya (Qur'ān 4:18): "Ang pagtanggap ng pagsisi ay hindi ukol sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa hanggang sa nang dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay magsasabi siya: Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon..."

التصنيفات

Ang Pagbabalik-loob