-Nag-unahan ang hindi nag-aayuno sa araw na ito sa mga gantimpala

-Nag-unahan ang hindi nag-aayuno sa araw na ito sa mga gantimpala

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi :((Kasama kami ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa paglalakbay,ang iba sa amin ay nag-ayuno at ang iba ay hindi.,Nagsabi siya:Nagpahinga kami sa isang lugar sa napakainit na araw,at ang may pinakamarami sa amin na masisilungan ay yaong may maraming damit,at ang iba sa amin ay nagtatakip ng kamay niya dahil sa init ng araw.Nagsabi siya:Bumigay ang mga nag-ayuno,at tumayo ang mga hindi nag-aayuno,at nagpatayo sila ng mga tolda,pina-inom ang mga kamelyo,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nag-unahan ang hindi nag-aayuno sa araw na ito sa mga gantimpala"

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang mga kasamahan ng Propeta,ay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isa sa kanyang paglalakbay,ang ilan sa kanila ay hindi nag-ayuno at ang ilan naman ay nag-ayuno.At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tumitingin sa kanila sa bawat kalagayan nito,Bumaba sila sa napakainit ng panahon upang makapag-pahinga mula sa hirap ng paglalakbay at tindi ng init ng araw,At nang bumaba na sila sa matinding init ng araw na ito,bumigay ang mga nag-ayuno dahil sa tindi ng init at uhaw,hindi nila kayang magtrabaho,Tumayo ang mga hindi nag-ayuno,at nagpatayo sila ng mga bahay-bahayan ,sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tolda at maliliit na bahay,At pina-inom nila ang mga kamelyo,at pinagsilbihan nila ang mga kapatid nilang nag-aayuno,At nang makita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang ginawa nila,at ang mga ginawa nilang pagsisilbi sa mga mandirigma,naghikayat siya sa kanila at ipinahayag niya ang kainaman nila at nagsabi siyang: "Nag-unahan ang hindi nag-ayuno sa araw na ito sa mga gantimpala"

التصنيفات

Ang Pag-aayuno ng mga May Kadahilanan