Ang Hadith ng may Dalawang kamay tungkol sa Pagpapatipa na Sahwu

Ang Hadith ng may Dalawang kamay tungkol sa Pagpapatipa na Sahwu

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng isa sa mga dasal sa Hapon-Nagsabi si Ibn Sirin at pinangalanan niya itong si Abu Hurayrah,ngunit nakalimutan ko ito-Nagsabi siya:Nagdsal siya sa amin ng dalawang tindig,pagkatapos ay nagsagawa ng Taslem, Tumayo sa isang kahoy na nakikita sa Masjid,Sumandal siya rito na para siyang nagagalit,inilagay niya ang kamay niyang kanan sa kaliwa,At binibigkis nito ang mga daliri niya,At lumabas ang mga nagmamadali sa mga pintuan ng Masjid,Nagsabi sila:Napaikli ba ang dasal-At kabilang sa mga tao ay sina Abu Bakar at `Umar-Natakot sila [dahil sa paggalang nila sa kanya] na kausapin siya.At kabilang sa mga tao ay ang isang lalaki na sa kamay niya ay may mataas,Tinatawag siya na Zul Yadayn,Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,Nakalimot ka ba o naging maikli ang pagdarasal? Nagsabi siya: Hindi ako nakalimot at hindi naging maikli ang pagdarasal,Nagsabi siya: Totoo ba ang sinasabi ni Zul Yadayn?Nagsabi sila: Oo, Pumunta siya sa unahan, at nagdasal siya sa anumang naiwan niya pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslem,Pagkatapos ay Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar] at nagpatirapa siya tulad ng pagpapatirapa niya o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya at Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar] Pagkatapos ay Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar] at nagpatirapa tulad ng pagpapatirapa niya o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya at Nagdakila siya sa Allah [Allahu Akbar],At marahil ay nagtanong sila sa kanya: Pagkatapos ay Nagsagawa ng Taslem?Naipagbigay-alam sa akin na si `Imran bin Husayn ay nagsabi:Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslem.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang mga Sugo ang may pinakaganap na katalinuhan sa mga tao,at may pinakamatatag na puso sa kanila,at may pinakamagandang Pagtitiis sa kanila,at may pinakamatuwid sa karapatan ni Allah-Pagkataas-taas Niya,sa kanila, Ngunit gayunpaman ay hindi sila lumalampas sa limitasyon ng pagiging Tao,At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay siyang pinakaganap sa mga Sugo sa katangiang ito,Gayunpaman,maaaring mangyari sa kanya ang Pagkalimot.Dahil sa panuntunan ng pagiging Tao niya,Upang ipahintulot ni Allah-sa mga Lingkod niya ang Panuntunan ng Assahwu,At isinalaysay ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal para sa mga kasamahan niya nang Dasal na Al-Dhuhr o Dasal na Al-`Asr,at tunay na si Aba Hurayrah ay ay itinalaga niya rito ngunit nakalimutan ito ni Ibn Siren,At nang magdasal siya ng unang dalawang tindig,nagsagawa siya ng Taslem,Ngunit dahi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay ganap,Hindi nagiging panatag ang kanyang sarili maliban sa ganap na gawain.Naramdaman niya na may kulang at mali,hindi niya alam kung ano ang dahilan nito,Tumayo siya sa isang kahoy na nakikita sa Qiblah ng Masjid,Sumandal siya rito na may halong pagkabalisa sa sarili,at binibigkis niya ang pagitan ng mga daliri niya.At lumabas ang mga nagmamadali mula sa mga nagdarasal sa mga pintuan ng Masjid,at sila ay nagtatawagan sa bawat isa,na mayroong naganap na pangyayari,Na siya ay nagpa-ikli ng dasal;At para bang nagulat sila na ang nasa lugar ng propesiya ay magaganap sa kanya ang pagkalimot.At dahil sa Karangalan niya-pagpalin siya ni Allah at pangalagaan-sa mga puso nila,hindi nakayanan ng isa sa kanila na buksan ang mahalagang talakayang ito,at lalo na,dahil sa pamamalagi doon ni Abu Bakar at `Umar,at nasaksihan nila rito ang panghihina at pag-urong.Maliban sa isang lalaki na tinatawag sa pangalang " Zul Yadayn",pinutol niya ang katahimikang ito,Sa pamamagitan ng pagtanong niya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagsabi niyang:O Sugo ni Allah,Nalimutan mo ba o naging maikli ang dasal?Wala siyang pinili sa dalawang ito sapagkat ang bawat isa sa dalawang ito ay maaaring [mangyari] sa kasunduang ito [dasal],Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-batay sa pag-aakala niya,Hindi ako nakalimot at hindi napa-ikli, Sa oras na yaon ,nang malaman ni Zul Yadayn -malugod si Allah sa kanya-na ang Dasal ay hindi napa-ikli,at nasisiguro niya na hindi siya nakapagdasal maliban sa dalawang tindig lamang,Napagtanto niya na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na nakalimot,Nagsabi siya: Ngunit ikaw ay nakalimot.Ninais niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mapagtibay ang pagiging makatotohanan ng sinasabi ni Zul Yadayn,Sapagkat sumasalungat ito sa pag-aakala niya mula sa pagiging ganap ng pagdarasal,Kaya hinilang ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na patotohanan ang sinabi niya,Sinabi niya sa sinumang nasa paligid niya mula sa mga kasamahan niya:Totoo ba ang sinasabi ni Zul yadayn na ako ay hindi nakapagdasal maliban sa dalawang tindig lamang?Nagsabi sila: Oo ,Sa oras na iyon, Pumunta siya sa unahan-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa anumang naiwan niya sa pagdarsal.At pagkatapos magsagawa ng Tashahhud,at nagsagawa siya ng Taslem,Pagkatapos ay nagdakila siya sa Allah[ Allahu Akbar] habang siya ay naka-upo,at nagpatirapa siya tulad ng pagpapatirapa na nakasanayan sa pagdarasal,o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,at nagdakila siya sa Allah[ Allahu Akbar],Pagkatapos ay nagdakila siya sa Allah[ Allahu Akbar] at nagpatirapa siya tulad ng pagpapatirapa niya o mas mahaba,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,at nagdakila siya sa Allah [ Allahu Akbar],Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslem,at hindi na nagsagawa ng Tashahhud.

التصنيفات

Ang Pagpapatirapa sa Pagkalingat [sa Ṣalāh], Pagbigkas, at Pasasalamat