Dumating si Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: Paano ninyong itinuturing ang mga nakilahok sa [labanan sa] Badr sa inyo? Nagsabi siya: Kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim.

Dumating si Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: Paano ninyong itinuturing ang mga nakilahok sa [labanan sa] Badr sa inyo? Nagsabi siya: Kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim.

Ayon kay Rifā`ah bin Rāfi` Az-Zarqīy, malugod si Allah sa kanya: "Dumating si Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: Paano ninyong itinuturing ang mga nakilahok sa [labanan sa] Badr sa inyo? Nagsabi siya: Kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim. O pananalitang tulad niyon. Nagsabi [si Jibrīl ]: Gayon din ang sinumang dumalo sa [labanan sa] Badr na mga anghel."

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.]

الشرح

Ipinababatid sa atin ng kapita-pitagang kasamahan na si Rifā`ah bin Rāfi` Az-Zarqīy na si Jibrīl, sumakanya ang pangangalaga, ay pumuna sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi sa kanya: "Ano ang kalagayan ng mga lumahok sa pakikibaka sa labanan sa Badr yamang pinagkalooban nga ni Allah ang Propeta niya at ang mga mananampalatayang kasama niya roon ng isang pagwaging inalalayan?" Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Sila ay kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim sa ganang amin." Tumugon naman si Jibrīl: "At gayon din ang mga dumalo roon at nakipaglabang mga anghel."

التصنيفات

Ang mga Anghel, Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila