إعدادات العرض
Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfu: ((Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdîالشرح
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nag-uutos sa pagpapagaan,at ipinag-aanyaya niya ito sa pamamagitan ng salita at gawa,At kabilang sa pagpapagaan,ang pagpapagaan sa pag-alay ng dasal na may kasamang pagkakaloob ng karapatan sa pagsamba mula sa pagiging ganap at kompleto,Kaya itinatanggi ni Anas bin Malik, na siya ay nakapagdasal sa likod ng kahit sinong Imam mula sa mga Imam,Ngunit ang pagdarasal niya sa likod ng Pinakadakilang Imam-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay higit na magaan,dahil hindi siya nakakapaghirap sa mga nagdadasal,lumalabas sila mula rito na sila ay may [nararamdamang] kagalakan. At wala ng hihigut pa sa [pagiging] ganap ng pagdarasal niya,tunay na isinasagawa niya ito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan-na kompleto.Hindi niya ito ipinapawalang-bahala,datapuwat ginaganap niya ito sa pamamagitan ng pangangalaga sa [pagsasagawa] ng mga obligado nito at sa mga Sunnah nito,At ito ay mula sa palataandaan ng Pagpapala niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.