O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d

O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d

Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Dinalaw ako ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi siya: O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d."

[Tumpak] [Napagkaisahan sa katumpakan at ang pananalita ay ayon sa kay Imām Muslim]

الشرح

Ang ḥadīth ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumalaw sa kanya sa pagkakasakit niya at nagsabi: "O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d." nang tatlong ulit. Sa ḥadīth na ito ay ay may patunay na bahagi ng Sunnah na dalawin ng tao ang maysakit na Muslim. Nasaad din dito ang kagandahang asal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang pakikitungo niya sa mga Kasamahan niya sapagkat tunay na siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumadalaw sa mga maysakit sa kanila at dumadalangin para sa kanila. Nasaad din dito na kaibig-ibig na ipanalangin ang panalanging ito: "O Allah, pagalingin mo si Polano" nang tatlong ulit sapagkat tunay na ito ay kabilang sa magiging isang dahilan ng paggaling ng maysait.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw sa Maysakit, Ang mga Du`ā' na Ipinahatid