Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Shighār.

Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Shighār.

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Shighār."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ang pangunahing panuntunan sa pagsasagawa ng kasal ay na hindi ito naisasagawa malibang may bigay-kaya sa babae, na tumutumbas sa pagkakaloob niyon sa sarili niyon. Dahil dito, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa ganitong pag-aasawang ayon sa Panahon ng Kamangmangan na lumalabag dahil dito ang mga tagatangkilik sa katarungan sa mga babaing tinatangkilik dahil ipinakakasal nila ang mga babaing iyon nang walang bigay-kayang napupunta ang pakinabang sa mga babaing iyon. Ipinakakasal lamang nila ang mga babaing iyon ayon sa ikinalulugod ng mga pagnanais nila at mga hilig nila. Ipinakakasal nila ang mga babaing iyon sa mga lalaki sa kundisyong ipakakasal ng mga ito ang mga babaing tangkilik ng mga ito nang walang bigay-kaya. Ito ay paglabag sa katarungan at pagpapakasal sa mga babae nang hindi ayon sa ibinaba ni Allāh. Ang anumang gaya niyon, ito ay ipinagbabawal na walang kabuluhan.

التصنيفات

Ang mga Pag-aasawang Ipinagbabawal