إعدادات العرض
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Kapag kinuha niya ang higaan niya,hinihihipan niya ang dalawang kamay niya,at nagbabasa siya ng mga Pagpapakupkop [Kay Allah],at nagpupunas siya nito sa katawan niya.
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Kapag kinuha niya ang higaan niya,hinihihipan niya ang dalawang kamay niya,at nagbabasa siya ng mga Pagpapakupkop [Kay Allah],at nagpupunas siya nito sa katawan niya.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Kapag kinuha niya ang higaan niya,hinihipan niya ang dalawang kamay niya,at nagbabasa siya ng mga Pagpapakupkop,at pinupunasan niya sa pamamagitan nito ang katawan niya.At sa isang salaysay: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay pumupunta sa higaan niya sa bawat gabi,pinagsasama niya ang dalawang palad ng kamay niya,pagkatapos ay hinihipan niya ito,at binabasa niya rito ang :(( {Ipagbadya [O Muhammad] Siya si Allah ang Nag-iisa},At {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Bukang-Liwayway} at {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Sang-katauhan})) Pagkatapos ay nagpunas siya sa pamamagitan nito sa abot ng makakaya niya sa katawan niya,sinisimulan niya ito sa ulo niya at mukha niya,at sa anumang malapit sa katawan niya,ginagawa niya ito ng tatlong beses
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português සිංහල Русскийالشرح
Ikinukwento sa atin ng Ina ng mananampalataya,Asawa ng Propeta natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Mundo at sa Kabilang-Buhay,ang Sunnah ng Marangal na Propeta na ito,Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bawat gabi-kapag kinukuha niya ang higaan niya,pinagsasama niya ang dalawang palad ng kamay niya pagkatapos ay hinihipan niya ito ng malumanay na pag-ihip na walang [kasamang] laway,At binabasa niya rito ang:{Ipagbadya [O Muhammad] Siya si Allah ang Nag-iisa},At {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Bukang-Laiwayway} at {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Sang-katauhan}" Ito man ay hinihipan niya sa una pagkatapos ay binabasahan niya,o binabasahahan niya pagkatapos ay hinihipan niya,ito ay hindi makakapinsala.Sapagkat ang Hadith ay hindi nagpapahiwatig sa pagkasunod-sunod,at Pagsusuri,Pagkatapos ay pupunasan niya sa pamamagitan nito ang abot ng makakayanan niya sa katawan niya,sinisimulan niya ito sa ulo niya at mukha niya at sa anumang pinakamalapit sa katawan niya,ginagawa niya ito ng tatlong beses, mula sa pagbabasa,pag-iihip-at pagpunas.