May tatlong panalangin na tintutugong walang duda hinggil sa mga ito: ang panalangin ng inapi

May tatlong panalangin na tintutugong walang duda hinggil sa mga ito: ang panalangin ng inapi

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "May tatlong panalangin na tinututugon nang walang duda hinggil sa mga ito: ang panalangin ng inapi, ang panalangin ng naglalakbay, at ang panalangin ng tao sa anak niya."

[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

May tatlong panalangin mula sa tatlong uri ng mga nananalanging walang duda na si Allah ay tutugon sa mga ito: ang panalangin ng naapi kahit pa man ang naapi ay di-Muslim, na inapi at pagkatapos ay dumalangin kay Allah sapagkat si Allah ay tumutugon sa panalangin sa Kanya; ang panalangin ng manlalakbay kapag dumalangin kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa panahon ng paglalakbay niya; at ang panalangin ng magulang, walang pagkakaiba kung ama man o ina, walang pagkakaiba kung dumalangin para sa anak niya o laban dito.

التصنيفات

Ang mga Kadahilanan ng Pagsagot [ni Allāh] sa Du`ā' at mga Nakahahadlang Dito