إعدادات العرض
Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Mukhābarah at ang Muḥāqalah, ang Muzābanah, ang pagtitinda ng datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaungkupan nito, at na hindi magtinda malibang gamit ang dīnār at ang dirham maliban sa `arāyā.
Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Mukhābarah at ang Muḥāqalah, ang Muzābanah, ang pagtitinda ng datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaungkupan nito, at na hindi magtinda malibang gamit ang dīnār at ang dirham maliban sa `arāyā.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Mukhābarah at ang Muḥāqalah, ang Muzābanah, ang pagtitinda ng datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaungkupan nito, at na hindi magtinda malibang gamit ang dīnār at ang dirham maliban sa `arāyā."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Português Kurdîالشرح
Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang ilang uri ng mga pagtitinda na nauugnay sa datiles dahil may dulot itong kapinsalaan sa isang panig o dalawang panig. Kabilang doon ang Mukhābarah. Ito ay ang pagpapaupa ng lupa kapalit ng ani sa isang takdang bahagi ng lupa. Ito ay hindi isang makatarungang proporsiyon. Gayon din, ipinagbawal niya ang pagtitinda ng mga trigong nasa mga puso pa nito kapalit ng mga trigong naalisan na ng ipa. Gayon din, ipinagbawal niya na ipagbili ang datiles na nasa mga puno pa kapalit ng mga datiles na tulad ng mga ito, at na ipagbili ang datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaangkupan nito, subalit ipinahintulot niya sa manibalang [na napitas] matapos na mataya ito at malaman ang kantidad nito ayon sa kantidad ng datiles [na hindi pa napitas]. Ang pagtataya ay ang pag-aalam sa kantidad sa pamamagitan ng pagtatantiya at pananaig ng palagay, sa kundisyong ito ay limang wasq at pababa dahil sa nasaad ibang mga ḥadīth.التصنيفات
Ang mga Pagtitindang Ipinagbabawal