Ang sinumang nagpaunang-bayad sa isang bagay ay magpaunang-bayad sa isang itinakdang takal at itinakdang timbang para sa itinakdang panahon.

Ang sinumang nagpaunang-bayad sa isang bagay ay magpaunang-bayad sa isang itinakdang takal at itinakdang timbang para sa itinakdang panahon.

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Pumunta ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Madīnah noong sila ay nagpapaunang-bayad sa mga bunga [na matatanggap] sa dalawang taon hanggang tatlo. Nagsabi siya: "Ang sinumang nagpaunang-bayad sa isang bagay ay magpaunang-bayad sa isang itinakdang takal at itinakdang timbang para sa itinakdang panahon."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Madīnah bilang lumilikas at natagpuan niya ang mga naninirahan doon, dahil sila ay nagsasaka at nagtatanim, na nagpapaunang-bayad. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapauna sa pagbayad at pagpapahuli sa pagkuha sa binayarang bunga sa loob ng isang taon o dalawang taon o tatlong taon. Inayunan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa transaksiyong ito at hindi niya ito itinuring na bahagi ng pagtitinda ng hindi taglay ng tagapagtinda, na humahantong sa panggugulang, dahil ang paunang-bayad ay nauugnay sa mga pananagutan hindi sa mga paninda. Subalit nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kanila kaugnay sa transaksiyon ang ilang mga panuntunang maglalayo sa kanila sa mga alitan at mga sigalutang marahil kakaladkad dito nang mahabang panahon. Sinabi niya: "Ang sinumang nagpaunang-bayad sa isang bagay ay tiyakin niya ang kantidad nito sa pamamagitan ng takal nito o timbang nito, na batay sa kilalang Batas ng Islām, at iugnay niya ito sa isang takdang panahon nang sa gayon ay malaman niya ang kantidad nito at taning nito, maputol ang sigalot at ang pagtatalo, at malubos ng mamimili ang karapatan niya nang mapayapa.

التصنيفات

Ang Paunang Bayad