Ang pag-uwi ay gaya ng paglusob.

Ang pag-uwi ay gaya ng paglusob.

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang pag-uwi ay gaya ng paglusob."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Sa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa kabutihang-loob ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa mga lingkod Niya dahil sa pagsasagawa nila ng mga pagsamba. Kung papaano sila ginagantimpalaan sa pagpunta sa mga ito gayon din sila ginagantimpalaan sa pagbalik mula sa pagsasagawa ng mga ito. Dahil doon ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang umuuwi mula sa paglusob ay gaya ng lumulusob kaya ang dalawang gawaing ito sa gantimpala ay magkapantay gaya ng pagsulat sa bakas ng naglalakad patungo sa masjid at sa pagbalik niya sa mag-anak niya.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād