Kapag pinakawalan mo ang Aso mong naturuan [upang mangaso] at nabanggit mo ang pangalan ni Allah,Kumain ka sa anumang nahuli niya para sa iyo

Kapag pinakawalan mo ang Aso mong naturuan [upang mangaso] at nabanggit mo ang pangalan ni Allah,Kumain ka sa anumang nahuli niya para sa iyo

Ayon kay 'Udayy bin Hātim-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi Siya: Sinabi ko:O Sugo ni Allah!Tunay na Ako ay nag-uutos ng Asong naturuan, Nanghuhuli siya para sa akin,at binabanggit ko [sa kanya] ang pangalan ni Allah? Ang sabi niya:" Kapag pinakawalan mo ang Aso mong naturuan [upang mangaso] at nabanggit mo ang pangalan ni Allah,Kumain ka sa anumang nahuli niya para sa iyo". Kahit na napatay niya?Nagsabi siya: Kahit na napatay niya,Kapag hindi siya nasamahan ng ibang aso na Hindi kabilang rito". Sinabi ko sa kanya:Ako ay naghahagis ng sibat para sa pangangaso at tinatamaan ko ito?Nagsabi siya: Kapag naghagis ka ng sibat at nakatama ito, Kainin mo ito, at kapag tinamaan niya ito ng sibat [at hindi nasugatan] huwag mo itong kainin." At sa Hadith ni Sha'biy, buhat kay 'Udayy at tulad nito,ay napapaloob rito ang: " Maliban kung kinain ito ng aso,kapag nakain ito, huwag mo itong kainin;Sapagkat nangangamba Ako na ito ay nahuli niya sa sarili niya,dahil ito ay nahaluan ng asong iba sa kanya Kaya huwag mo itong kainin;Sapagkat tunay na ang binanggitan mo [sa pangalan ni Allah] ay ang aso mo, at Hindi mo binanggitan [sa pangalan ni Allah] ang iba rito." At napapaloob din dito:" Kapag nag-utos ka ng aso mong mangangaso, banggitin mo ang pangalan ni Allah,Kapag nakahuli siya para sa iyo at inabutan mo ito ng buhay, katayin mo ito,at kapag inabutan mo ito na patay at Walang nakakain rito, Kainin mo ito.Dahil ang pagkuha ng aso ay dahil sa talino niya". At napapaloob din dito:" Kapag hinagis mo ang palaso mo,Banggiti mo ang pangalan ni Allah"At napapaloob rin dito:" Kapag nawala sa iyo ito ng isang araw o dalawang araw-at sa isang salaysay: Ang dalawa at ang tatlo- Wala kang makikita rito maliban sa bakas ng palaso mo,Kainin mo ito kung naisin mo,at kapag natagpuan mo itong nalunod sa tubig,huwag mo itong kunin;sapagkat hindi mo alam kung ang tubig ba ang nakapatay sa kanya o ang palaso mo?

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Tinanong ni 'Udayy bin Hātim ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa pangangaso gamit ang asong naturuan, na kung saan at tinuruan ito ng nagmamay-ari nito ng pangangaso.Ang sabi niya sa kanya:Kainin mo anumang nahuli niya para sa iyo kapag binanggit mo ang pangalan ni Allah sa kanya sa pagpakawala mo sa kanya, at wala kang natagpuang kasama niya na ibang aso,at kapag natagpuan mong may kasama siyang ibang aso, huwag mo itong kainin, sapagkat tunay na ang binangitan mo lamang ng pangalan [ni Allah] at ang aso mo, at hindi mo binanggit ang pangalan [ni Allah] sa ibang aso, at gayundin kapag naghagis ka ng [matulis na kahoy] at ito ang sibat at nakatama ibig sabihin ay pumasok sa katawan ng hinuhuli at dumaloy mula sa kanya ang dugo, kainin mo ito, sa isang kondisyon; ang pagbanggit rito [sa pangalan ni Allah], at kapag ito at tinamaan ng sibat at napatay niya dahil dito, huwag mo itong kainin, Sapagkat ito at namatay dahil sa tama Kaya naging itoy tulad ng pagkamatay ng hayop dahil sa matinding pagkahampas at pagkamatay ng hayop Dahil sa pagkahulog sa bangin,At kapag pinakawalan niya ang aso at natagpuan niya ang nahuling hayop na may buhay pa at hindi ito napatay ng aso, nararapat sa kanya na katayin niya ito at sa oras na iyon itoy magiging Halal kahit na nakisali sa kanya ang ibang aso,At nagtanong Siya sa pamamagitan ng paghagis sa palaso kapag binanggit niya ang pangalan ni Allah rito, ipinagbawal-utos niya sa kanya na kainin ang anumang natamaan niya,at kapag nawala ito sa kanya ng isang araw o dalawang araw at hindi niya ito natagpuan maliban sa bakas ng palaso niya, Tunay na ipinapahintulot sa kanya ang pagkain rito,at kapag natagpuan niya itong malugod sa tubig, huwag niya itong kainin, sapagkat hindi niya nalalaman kung ang tubig ba ang nakapatay sa kanya o ang palaso niya

التصنيفات

Ang Pangangaso at Pangingisda