Walang nakapagsalita habang nasa duyan pa maliban sa tatlo

Walang nakapagsalita habang nasa duyan pa maliban sa tatlo

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Walang nakapagsalita habang nasa duyan pa maliban sa tatlo: Si Jesus na anak ni Maria, ang kasamahan ni Jurayj - si Jurayj ay isang lalaking mananamba. Nagpagawa siya ng isang toreng dasalan at nanatili siya rito. Pinuntahan siya ng ina niya habang siya ay nagdarasal at nagsabi ito: "O Jurayj," at nagsabi naman siya: "O Panginoon ko, ang ina ko habang nasa pagdarasal ko." Inuna niya ang dasal niya kaya umalis ito. Noong nag-umaga, pinuntahan siya nito habang siya nagdarasal at nagsabi ito: "O Jurayj," kaya nagsabi siya: "O Panginoon ko, ang ina ko habang nasa pagdarasal ko." Inuna niya ang dasal niya kaya nagsabi ito: "O Allah, huwag Mong bawian siya ng buhay hanggang sa makatingin siya sa mga mukha ng mga patotot." Nagpaalalahan ang mga anak ni Isarael tungkol kay Jurayj at sa pagsamba niya. May isang babaing patotot na lumalantad ang kagandahan nito at nagsabi ito: "Kung loloobin ninyo, talagang tutuksuin ko nga siya." Tumambad ito sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Pinuntuhan nito ang isang pastol na nanunuluyan sa dako ng toreng dasalan niya. Nagawa nitong maakit iyon sa sarili nito kaya nakatalik niyon ito at nagbuntis ito. Noong nanganak ito, nagsabi ito: "Siya ay mula kay Jurayj." Kaya pinuntuhan nila siya at hiniling na bumaba. Tinibag nila ang toreng dasalan niya. Nagsimula silang mambugbog sa kanya kaya nagsabi siya: "Ano nangyayari sa inyo?" Nagsabi sila: "Nangalunya ka sa patotot na ito at nagsilang ito dahil sa iyo." Nagsabi siya: "Nasaan ang sanggol?" Dinala nila iyon sa kanya at nagsabi siya: "Hayaan ninyo muna ako hanggang sa makapagdasal ako." Kaya nagdasal siya. Noong natapos siya, pinuntahan niya ang sanggol. Sinundot niya ang tiyan nito at nagsabi: "Hoy sanggol, sino ang ama mo?" Nagsabi ito: "Si Polano, ang pastol." Kaya lumapit sila kay Jurayj at hinalikan nila siya at hinipu-hipo nila siya. Nagsabi sila: "Magpapatayo kami para sa iyo ng toreng sambahan mo mula sa ginto." Nagsabi siya: "Huwag na; ibalik ninyo ito yari sa putik gaya ng dati." Kaya ginawa nila. Samantalang may isang sanggol na sumususo sa ina nito, may napadaang isang lalaking nakasakay sa isang hayop na malakas at maganda sa anyo. Nagsabi ang ina nito: "O Allah, gawin mo ang anak ko tulad niyan." Iniwan nito ang suso at lumapit doon at tumingin doon at nagsabi: "O Allah, huwag Mo akong gawing tulad niya." Pagkatapos ay lumapit ito sa suso at nagsimulang sumuso. (Nagsabi si Abū Hurayrah): "Para bang nakatingin ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay nagkukuwento ng pagsuso niyon sa pamamagitan ng daliri niyang hintuturo sa bibig niya at nagsimula siyang sipsipin ito." Nagsabi siya: Napadaan sila sa isang babaing habang binubugbog ito at sinasabi nila: "Nangalunya ka at nagnakaw ka," samantalang ito naman ay nagsasabi: "Sapat sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan." Nagsabi ang ina [ng batang] ito: "O Allah, huwag Mong gawin ang anak kong tulad niyan." Iniwan nito ang pagsuso at tumingin [sa babaing] iyon at nagsabi ito: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan." Doon naulit ang pag-uusap. Nagsabi [ang babaing] ito: "May napadaang isang lalaking maganda ang anyo kaya nagsabi ako: 'O Allah, gawin Mo ang anak kong tulad niya,' at nagsabi ka: 'O Allah, huwag Mo akong gawing tulad niya.'" Napadaan sila sa isang babaing habang binubugbog ito at sinasabi nila: "Nangalunya ka at nagnakaw ka." Sinabi ko: "O Allah, huwag Mong gawin ang anak kong tulad niyan, at nagsabi ka: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan." Nagsabi siya: "Tunay na ang lalaking iyon ay maniniil," kaya nagsabi ako: "O Allah, huwag mo akong gawing tulad niya." Tunay na ang mga ito ay nagsasabi: "Nangalunya ka," gayong hindi naman ito nangalunya, "Nagnakaw ka," gayon hindi naman ito nagnakaw. Kaya nagsabi ako: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Binanggit ng may-akda, kaawaan siya ni Allah, sa sinipi niya buhat kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, buhat sa Propeta natin, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya ay nagsabi: "Walang nakapagsalita habang nasa duyan pa maliban sa tatlo." Una: Si Jesus na anak ni Maria, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Si Jesus na anak ni Maria ay isang tanda mula sa mga tanda ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, habang siya ay nasa duyan pa. Ang ikalawa: Ang kasama ni Jurayj. Si Jurayj ay isang lalaking mananamba. Pinawalang-sala ni Allah si Jurayj sa paratang na ito na ninanais nilang ikapit sa kanya. Pinalitaw ni Allah ang pangyayaring ito bilang isang himala ni Jurayj. Ito ay ang pagsasalita ng sanggol ng kawalang-sala niya. Ang ikatlong nagsalita habang nasa duyan ay ang sanggol na sumususo pa na kasama na ina niya. May naparaang isang lalaking sakay ng kabayong malakas at maganda ang anyo. Ikinuwento ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagsuso ng sanggol na ito sa suso ng ina nito sa pamamagitan ng paglagay niya ng daliri niyang hintuturo sa bibig niya at sinipsip, bilang pagsasagisag sa pangyayari, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsabi ang sanggol: "O Allah, huwag Mo akong gawin tulad niya." Pagkatapos ay dumating sila kasama ng isang babaing binubugbog nila habang sinasabi rito: "Nangalunya ka, nagnakaw ka," habang ito naman ay nagsasabi: "Sapat sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan." Nagsabi ang babaeng ina ng sanggol habang ito ay nagpapasuso sa kanya: "O Allah, huwag Mong gawin ang anak ko tulad niyan." Kumawala sa suso ang sanggol at tumingin sa babaing binubugbog at nagsabi: "O Allah, gawin Mo akong tulad niyan." Inulit niya ang pag-uusap sa ina niya. May isang sanggol na tumayo upang makipag-usap sa ina. Nagsabi ang ina: "Ako ay naparaan o naparaan sa akin ang lalaking ito na may magandang anyo kaya nagsabi ako: 'O Allah, gawin Mo ang anak kong tulad niyan,' at nagsabi ka naman: 'O Allah, huwag Mo akong gawing tulad niyan.'" Nagsabi ang sanggol: "Oo. Ito ay lalaking maniniil na mapagmatigas noon kaya hiniling ko kay Allah na huwag akong gawing tulad niya." Tungkol naman sa babae, tunay na sila ay nagsasabi: "Nangalunya ka, at nagnakaw ka," samantalang siya ay nagsasabi: "Sapat sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan,' kaya nagsabi ako: "O Allah, gawin mo akong tulad niya." Ibig sabihin: "malinis sa pangangalunya at pagnanakaw, habang ipinagkakatiwla ang kapakanan kay Allah ayon sa sabi niya: 'Sapat na sa akin si Allah at kay inam na pinagkakatiwalaan.'"

التصنيفات

Ang mga Milagro ng mga Muḥammad Walīy, Ang mga Kuwento at ang mga Kalagayan ng mga Naunang Kalipunan