Nagtalo sina Adan at Moises kaya nagsabi si Moises dito: "O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nagsabi rito si Adan: "O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya, sinisisi mo…

Nagtalo sina Adan at Moises kaya nagsabi si Moises dito: "O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nagsabi rito si Adan: "O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya, sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon? Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises. Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagtalo sina Adan at Moises kaya nagsabi si Moises dito: "O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nagsabi rito si Adan: "O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya, sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon? Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises. Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagtalo sina Adan at Moises, sumakanilang dalawa ang pangangalaga. Nangangahulugan ito: Ang bawat isa sa kanila ay bumanggit ng katwiran niya sa harapan ng isa pa. Ito ay maaaring noong matapos ang kamatayan ni Moises o ito ay nasa panaginip sapagkat tunay na ang panaginip ng mga propeta ay pagsisiwalat ni Allah. Ang tulad nito ay kinakailangan nating tanggapin at hindi natin makakayang mabatid ang reyalidad nito. "kaya nagsabi si Moises dito: O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nangangahulugan ito: "Ikaw ay ang dahilan ng pagkabigo namin at ng pagkatukso namin sa kasalanang ibinunga ng pagpapalabas sa iyo mula sa Paraiso. Pagkatapos ay nalantad naman kami sa panunukso ng mga demonyo." Ang "Nagsabi rito si Adan: O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya..." ay nangangahulugang: "Pinili ka ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng pagpaparinig Niya sa iyo ng salita Niya. Ito ang ikinatangi ni Moises sa mga sugo. "at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya..." Nangangahulugan ito: "Isinulat Niya para sa iyo ang Torah sa pamamagitan ng kamay Niya at kinakailangan sa atin na maniwala rito nang walang pagpapaliwanag kung papaano, walang pag-aalis sa kahulugan, at nang walang paglilihis sa kahulugan at walang pagtutulad." Ang "sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon?" ay nangangahulugang: "Papaano mo akong sinisisi dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin sa Pinangalagaang Talaan, sa mga pahina ng Torah, at mga lapida nito apatnapung taon bago Niya ako nilikha?" "Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises." Nangangahulugan ito: "Napanaigan ni Adan si Moises sa katwiran." Ang batayan lamang ng katwiran ni Adan laban kay Moises, ang mga pagpapala ni Allah at ang pangangalaga Niya ay sumakanilang dalawa, ay na si Allah, napakamaluwalhati Niya, ay nakaalam na kaugnay kay Adan na ito ay lalabas mula sa Paraiso at bababa sa lupa kaya papaano niyang tututulan ang kaalaman ni Allah kaugnay rito? Kaya naman ang katwiran ni Adan, sumakanya ang pangangalaga, ay nangibabaw dahil ang naitakda ay bagay na hindi maaaring mabago ni mapigilan. Bagkus ito ay isang pagtatakdang itinakda ng Panginoong Maalam, Makapangyarihan kaya naman hindi maaaring mapigilan at mabago matapos maganap ito at wala nang natira sa harapan niya kundi ang magpasakop. Gayon pa man, ang pagtatakda (qadr) ay hindi magiging katwiran sa anumang hindi nangyari dahil ang tao ay inatasang isagawa ang pagtalima at iwasan ang pagsuway samantalang hindi niya nalalaman kung ano ang itinakda sa kanya hangang sa mangyari ito. Kapag nangyari ang isang bagay at naging imposibleng hadlangan ito, doon magpapasakop sa qadr. Sinasabi: "Itinakda ni Allah at ang anumang niloob Niya ay ginagawa Niya." Humihingi siya ng tawad sa pagkakasala niya at nagbabalik-loob siya sa Panginoon niya. Luminaw na si Adan ay nanaig kay Moises noong nilayon ni Moises na sisihin si Adan dahil sa pagiging isang dahilan ng kasawian ng mga anak niya. Si Adan naman ay nangatwiran na ang kasawiang ito ay naunang itinakda at hindi maiiwasang maganap, maging ito man ay nasa mga kasawiang iyon na nagaganap dahil sa mga gawain ng tao o iba pa sa mga ito. Tunay na kailangan ng tao ang pagtitiis at ang pagpapasakop at hindi maaalis dahil doon ang paninisi at ang pagpaparusa sa salarin.

التصنيفات

Ang mga Antas ng Pagtatadhana at Pagtatakda