At ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya,na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pagpalain ay nagsabi:sinabi ng isang lalaki,Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa.Inilabas niya ang kanyang kawanggawa at inalagay ito sa kamay ng magnanakaw. Kinaumagahan sila ay…

At ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya,na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pagpalain ay nagsabi:sinabi ng isang lalaki,Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa.Inilabas niya ang kanyang kawanggawa at inalagay ito sa kamay ng magnanakaw. Kinaumagahan sila ay nag-uusap,:nagkawanggawa sa magnanakaw! Nagsabi siya: O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa,Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng Nangangalunya,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa noong gabi sa nangangalunya! O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa nangangalunya! Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa. Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng mayaman,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa sa mayaman? O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa magnanakaw at nangangalunya at mayaman!Dumating siya at sinabi sa kanya:Tungkol sa kawanggawa mo sa magnanakaw,harinawa siya ay magpigil sa pagnanakaw, At tungkol naman sa babaing nangangalunya, harinawa siya ay magpigil sa pangangalunya niya.At ang tungkol sa mayaman marahil ay makapag-isip siya na magkawang-gawa sa mga ibinigay sa kanya ni Allah.Isinaysay ni Imam Al-Bukharie sa pananalita nito at si Imam Muslim sa kahulugan nito

Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya,na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pagpalain ay nagsabi:sinabi ng isang lalaki,Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa.Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng magnanakaw. Kinaumagahan sila ay nag-uusap,:nagkawanggawa sa magnanakaw! Nagsabi siya: O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa,Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng Nangangalunya,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa noong gabi sa nangangalunya! O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa nangangalunya! Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa. Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng mayaman,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa sa mayaman? O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa magnanakaw at nangangalunya at mayaman!Dumating siya at sinabi sa kanya:Tungkol sa kawanggawa mo sa magnanakaw,harinawa siya ay magpigil sa pagnanakaw, At tungkol naman sa babaing nangangalunya, harinawa siya ay magpigil sa pangangalunya niya.At ang tungkol sa mayaman marahil ay makapag-isip siya na magkawang-gawa sa mga ibinigay sa kanya ni Allah.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinahayag sa atin ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagpapahayag mula sa mga pahayag ng mga sina-unang nasyon,upang mapulutan ito ng aral,nagsabi siya ayon sa kahulugan nito:Lumabas ang isang lalaki upang magbigay ng kawang-gawa,at hindi lingid sa ating kaalaman na ang kawang-gawa ay para sa mga dukha at mga mahirap,nailagay ang kawang-gawa niya sa kamay ng magnanakaw,kina-umagahan nag-usap ang mga tao,nagkawang-gawa noong gabi sa magnanakaw,at ang magnanakaw dapat ay pinaparusahan,at hindi dapat na bigyan o palaguhin ang kayamanan nito,nagsabi ang lalaking nagkawang-gawa;Ang lahat ng papuri ay kay Allah,dahi si Allah Napakamaluwalhati Niya,ay Kapuri-puri sa lahat ng sitwasyon,pagkatapos ay lumabas ang lalaki at nagsabi:Talagang magkakawang-gawa ako ngayong gabi,at nalagay ang kanyang kawang-gawa sa kamay ng babae na nangangalunya,at ito ay isang bagay na hindi matatanggap ng pag-iisip at pagka-likas.At nagsabi siya:Ang lahat ng papuri ay kay Allah,pagkatapos ay sinabi niya:talagang magkakawan-gawa ako ngayong gabi,-at para bang naisip niya na ang kawang-gawa niya sa una at pangalawa ay hindi katanggap-tanggap,nagkawang-gawa siya,at nalagay ito sa kamay ng mayaman,at ang mayayaman ay hindi kabilang sa mga taong dapat bigyan ng kawanggawa subalit ito ay kabilang sa mga taong binibigyan ng regalo at iba pang katulad nito,kina-umagahan nagusap ang mga tao,nagkawang-gawa sa mayaman!Nagsabi siya:Ang lahat ng papuri ay kay Allah,sa magnanakaw,at sa nangangalunya at sa mayaman.At gusto niya na malagay ang kawang-gawa niya sa kamay ng dukha na malinis ang pagkatao at matapat,Ngunit ang pag-uutos ni Allah ay isang kasasapitan na napag-pasiyahan na.at ang sabi sa kanya sa pamamagitan ng Propeta ng nasyon na ito:Na ang mga kawang-gawa mo na tatlo ay tinanggap,dahil ito`y dalisay,nakapag-intensiyon ng mas mainam,ngunit hindi ito naging madali sa kanya,Ang magnanakaw,harinawa na matigil sa pagnanakaw,at sasabihin niya na ang pera na ito ay sapat na sa akin,Ang nangangalunya,harinawa na matigil sa kanyang pangangalunya,dahil siguro kaya siya nangangalunya protektahan sana tayo ni Allah mula dito,ay dahil sa paghahangad ng pera at nakuha na niya ang sapat sa kanya para hindi na mangalunya,At ang mayaman harinawa na makapag-isip siya at gumugol mula sa ibinigay sa kanya ni Allah.

التصنيفات

Ang mga Kuwento at ang mga Kalagayan ng mga Naunang Kalipunan, Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob