Huwag na kayong umiyak sa kapatid matapos ang araw na ito.

Huwag na kayong umiyak sa kapatid matapos ang araw na ito.

Ayon kay `Abdullāh bin Ja`far, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpalugit sa mag-anak ni Ja`far nang tatlong araw. Pagkatapos ay pinuntahan niya sila at nagsabi: "Huwag na kayong umiyak sa kapatid ko matapos ang araw na ito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang mga anak ng kapatid ko." Kaya dinala kami na para bang kami ay mga sisiw at nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang barbero." Inutusan niya ito at inahit nito ang mga ulo namin.

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpalugit sa mag-anak ni Ja`far ng tatlong araw. Pagkatapos ay pinuntahan niya sila. Nang namartir si Ja`far bin Abī Ṭālib sa paglusob sa Mu'tah, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi pumunta sa mag-anak ni `Abdullāh malibang matapos ang tatlong araw mula sa pagkamatay nito. Nagpalugit lamang siya kanila ng tatlong araw upang bumuti-buti ang mga sarili nila at maalis ang nasa mga sarili nila na lungkot at lumbay. Pagkatapos ay nagsabi siya sa kanila: "Huwag na kayong umiyak sa kapatid ko matapos ang araw na ito." Nangangahulugan ito na pinagbawalan niya sila sa pag-iyak matapos ang tatlong araw dahil ang unang dagok at ang panahon ng lungkot ay hindi humahaba at hindi nananatili. Ang pagbabawal dito ay para sa paglalayo sa kapintasan dahil ipinahihintulot naman ang pag-iyak hanggat walang nauugnay rito na isang ipinagbabawal. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang mga anak ng kapatid ko." Sila ay sina Muḥammad, `Abdullāh, at `Awf. "Kaya dinala kami na para bang kami ay mga sisiw." Ang sisiw ay anak ng ibon. Iyon ay dahil sa dumapo sa kanila na lungkot sa pagkawala ng ama nila. Nagsabi siya: "Tawagin ninyo para sa akin ang barbero. Inutusan niya ito at inahit nito ang mga ulo namin." Nangangahulugan ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na ahitin ang mga ulo nila. Inahit ang mga ito dahil nakakita siya ng pagpapakaabala ng ina nilang si Asmā’ bint `Umays para suklayin ang mga buhok nila dahil sa pagdadalamhati nito sa pagkapatay sa asawa nito sa landas ni Allah. Nahabag siya sa kanila dahil sa karumihan at kuto kaya kapag inalis ang buhok, magkakaroon doon ng pakinabang, kabutihan, at ginhawa sa ina nilang dinatnan ng nang-aabala rito sa pangangalaga sa buhok ng mga anak niya. Panawag-pansin: Nalalaman na ang pag-aahit ng ulo sa sandali ng kasawian ay hindi ipinahihintulot. Nasaad nga sa ḥadīth: "Isinumpa ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang babaing nananaghoy, ang babaing nag-aahit, at ang babaing namumunit." Ang babaing nag-aahit ay ang umuaahit ng buhok niya sa sandali ng kasawian, ang babaing namumunit ay ang pumupunit ng damit niya sa sandali ng kasawian, at ang babaing nananaghoy ay ang nagtataas ng tinig niya sa sandali ng kasawian, subalit ang nilalayon ng pag-ahit na ito sa mga anak ni Ja`far pagkamatay niya, malugod si Allah sa kanya at palugurin nito Siya, ay dahil sa pagiging abala ng ina ng mga bata para mangalaga sa mga ulo nila. Natakot ang Propeta na dapuan sila ng kuto kaya ipinag-utos niyang ahitin ang mga ulo nila, ang mga pagpala ni Allah, pangangalaga Niya, at mga biyaya Niya ay sumakanya. Ang pag-aahit na ito ay hindi pagkaapekto sa kasawian. `Awn Al-Ma`būd Sharḥ Sunan Abī Dāwud 11/164, Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymin 6/382, at Sharḥ Sunan Abī Dāwud Lil-`Ibād, kopyang elektronika.

التصنيفات

Ang mga Antas ng Pagtatadhana at Pagtatakda, Ang Kamatayan ang mga Patakaran Dito