Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito

Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito)) At sa isang salaysay ni Ima Al-Hakim: (( Sapagkat ito ay higit na may kasiglaan sa pagbabalik))

[Tumpak.] [Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim]

الشرح

Ang Hadith ay nagpapahiwatig sa pagpapahayag ng patnubay ng Propeta-sa sinumang magnais ng pag-ulit sa pakikipagtalik sa asawa nito.Sapagkat sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: "Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan" Ibig sabihin: kapag nakaipagtalik ang isang lalaki sa asawa nito pagkatapos ay ginusto niyang bumalik sa pakikipagtalik sa pangalawa at tatlong beses. At ang patnubay ng Propeta ay naaayon sa pagkasabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:"magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito" Ibig sabihin ay: Pagkatapos ng unang pakikipagtalik at bago ang pangalawa.At ang ipinapahiwatig na pagsasagawa ng wudhu rito ay wudhu para sa pagdarasal;Sapagkat ang salitang wudhu kapag ito ay sinabi ,ang unang batayan rito ay iniaangkop sa pagsasagawa ng wudhu sa pamamaraan ng Islam,At naisalaysay ito sa hayag na [salita] sa salaysay nina Imam Ibn Khuzaymah at Imam Al-Bayhaqi;at napapaloob rito na: " Magsagawa ka ng wudhu tulad ng pagsasagawa mo ng wudhu sa pagdarasal" At ang wudhu na ito ay sunnah.

التصنيفات

Ang Ghusl