إعدادات العرض
Huwag, huwag; itapon mo iyan. Hindi mo ba nalaman na tayo ay hindi kumakain ng kawanggawa?
Huwag, huwag; itapon mo iyan. Hindi mo ba nalaman na tayo ay hindi kumakain ng kawanggawa?
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kumuha si Al-Ḥasan bin`Alīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ng isang datiles mula sa mga datiles ng kawanggawa at inilagay niya ito sa bibig niya kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Huwag, huwag; itapon mo iyan. Hindi mo ba nalaman na tayo ay hindi kumakain ng kawanggawa?" Sa isang sanaysay: "na tayo ay hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa"
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Kumuha si Al-Ḥasan bin `Alīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ng isang datiles mula sa natipon sa mga zakāh ng datiles at inilagay niya ito sa bibig niya kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag, huwag," na nangangulugang "hindi ito naaangkop sa iyo." Pagkatapos ay inutusan niya ito na ilabas iyon mula sa bibig nito at nagsabi: "Tunay na hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa." Ang kawanggawa ay hindi ipinahihintulot sa mag-anak ni Muḥammad. Iyon ay dahil sa sila ay ang pinakamaharlika sa mga tao. Ang mga kawanggawa at ang mga zakāh ay mga latak ng mga tao at hindi nababagay sa mga maharlika sa mga tao na kumuha sa mga latak ng mga tao, gaya ng sinabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa tiyuhin niyang si Al-`Abbās bin `Abdulmuṭṭalib, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na tayo ay mag-anak ni Muḥammad; hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa. Ito ay mga latak lamang ng mga tao."التصنيفات
Ang Pinagkakagastusan ng Zakāh