Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar

Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar

Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar na nasa pagitan ng Jumādā at Sha`bān. Aling buwan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Dhulḥijjah? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: At aling bayan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Al-Baldah? Nagsabi kami: Opo." Nagsabi siya: At aling araw ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Araw ng Pag-aalay? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: Kaya tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa inyo ay bawal labagin gaya ng pagkabawal labagin ng araw ninyong ito sa bayan ninyong ito sa buwan ninyong ito. Makatatagpo ninyo ang Panginoon ninyo at tatanungin Niya kayo tungkol sa mga gawa ninyo. Makinig, kaya huwag kayong manumbalik matapos ko sa pagiging mga Kāfir na tinataga ng ilan sa inyo ang mga leeg ng mga iba. Makinig, magpaabot ang nakasaksi sa nakaliban sapagkat harinawang ang ilan sa aabutan nito ay maging higit na nakatatalos dito kaysa sa ilan sa nakarinig ito." Pagkatapos ay nagsabi siya: Makinig, naipaabot ko ba? Makinig, naipaabot ko ba? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: O Allāh, sumaksi Ka."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nangusap ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Pag-aalay. Iyon ay sa Ḥajj ng Pamamaalam. Ipinabatid niya na ang panahon ay natapat sa taong iyon na ang pagpapaliban ng buwan ay naging umaayon sa isinabatas ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ito ay kaugnay sa mga buwang bawal makipaglaban dahil binago at pinalitan nga ito sa Panahon ng Kamangmangan noong ginagawa nila noon ang pagpapaliban ng buwang bawal makipaglaban. Nilalabag nila ang buwang bawal makipaglaban at ipinagbabawal nila ang buwang ipinahihintulot makipaglaban. Pagkatapos ay nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang bilang ng mga buwan ay labindalawang buwan: Al-Muḥarram, Ṣafar, Rabī`ul'awwal, Rabī`uththāni, Jumādal'ūlā, Jumādaththāhiyah, Rajab, Sha`bān, Ramaḍān, Shawwāl, Dhulqa`dah, at Dhulḥijjah. Ang mga ito ay ang labindalawang buwang ginawa ni Allāh na mga buwan para sa mga lingkod Niya magmula ng nilikha Niya ang mga langit at lupa. Nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang labindalawang buwang ito, mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod at iisang namumukod. Ang tatlong magkakasunod ay Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, Al-Muḥarram. Ginawa ni Allāh ang mga ito na mga buwang bawal makipaglaban: ipinagbabawal sa mga ito ang pakikipag-away. Hindi nakikipag-away sa mga buwang ito ang isa laban sa isa dahil ang mga buwang ito ay ang mga buwan ng paglalakbay ng mga tao patungo sa pagsasagawa ng ḥajj sa Banal na Bahay ni Allāh. Ginawa ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang mga ito na bawal makipaglaban upang hindi maganap ang paglalaban sa mga buwang ito habang ang mga tao ay naglalakbay patungo sa pagsasagawa ng ḥajj sa Banal na Bahay ni Allāh. Ito ay bahagi ng karunungan ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "...at ang Rajab ng Muḍar na nasa pagitan ng Jumādā at Sha`bān." Ito ay ang ikaapat na buwan. Sila noong Panahon ng Kamangmangan ay nagsasagawa ng `umrah sa buwang ito. Itinatalaga nila ang buwan ng Rajab para sa `umrah at ang tatlong buwan naman para sa ḥajj. Kaya ang buwang ito ng Rajab ay naging bawal: ipinagbabawal dito ang pakikipaglaban gaya ng pagbabawal sa Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram. Pagkatapos ay tinanong sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aling buwan ito? Aling bayan ito? Aling araw ito?" Tinanong sila ng Propeta tungkol doon upang pukawin ang mga interes nila at ang kamalayan nila dahil ang usapin ay mabigat na usapin. Tinanong niya sila: "Aling buwan ito?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Tunay na sila ay nagtuturing na malayong magtanong ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa buwan yayamang ito ay nalalamang Dhulḥijjah, subalit bahagi ng kagandahang asal nila, malugod si Allāh sa kanila, ay na sila ay hindi nagsabing ito ay buwan ng Dhulḥijjah dahil ang bagay na ito ay alam. Bagkus bahagi ng kagandahang asal nila na sila ay nagsabing si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Pagkatapos ay nanahimik siya dahil ang tao, kapag nagsalita at saka nanahimik, ay nakatatawag ng pansin ng mga tao. Kaya nanahimik ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsasabi si Abū Bakrah: "Hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ito ba ay hindi Dhulḥijjah?" Nagsabi sila: "Opo." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Aling bayan ito?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam," gayong nalalaman nila na ito ay Makkah subalit dahil sa kagandahang asal nila at paggalang nila sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hindi sila nagsabi: "Ito ay isang bagay na alam, o Sugo ni Allāh; papaanong nagtatanong ka pa ng tungkol dito?" Bagkus sinabi nila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Pagkatapos ay nanahimik siya hanggang sa inakala nilang siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito at nagsabi siya: "Ito ba ay hindi Al-Baldah?" Ang Al-Baldah ay isa sa mga pangalan ng Makkah. Nagsabi sila: "Opo." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Aling araw ito?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam," tulad ng sinabi nila sa una. Nagsabi siya: "Ito ba ay hindi Araw ng Pag-aalay?" Nagsabi sila: "Opo, o Sugo ni Allāh," gayong sila ay nakaaalam na ang Makkah ay bawal labagin, na ang buwan ng Dhulḥijjah ay bawal labagin, at na ang Araw ng Pag-aalay ay bawal labagin. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga ito ay bawal labagin at iginagalang. Nagsabi siya: "Tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa inyo ay bawal labagin gaya ng pagkabawal labagin ng araw ninyong ito sa bayan ninyong ito sa buwan ninyong ito." Binigyang-diin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagbabawal sa paglabag sa tatlong ito: ang mga buhay, ang mga ari-arian, at ang mga dangal. Ang lahat ng mga ito ay ipinagbabawal labagin. Ang mga buhay ay sumasaklaw sa mga buhay at anumang mababa sa mga ito. Ang mga ari-arian ay sumasaklaw sa kaunti at marami. Ang mga dangal ay sumasaklaw sa pangangalunya, sodomiya, paninirang-puri, at marahil ay panlilibak, panlalait, at pang-aalipusta. Ang tatlong bagay na ito ay bawal sa Muslim na labagin sa kapatid niyang Muslim. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makinig, kaya huwag kayong manumbalik matapos ko sa pagiging mga Kāfir na tinataga ng ilan sa inyo ang mga leeg ng mga iba." Ito ay dahil sa ang mga Muslim kung sakaling nananaga na ang ilan sa kanila ng mga leeg na mga iba, sila ay magiging mga Kāfir dahil walang nagtuturing na ipinahihintulot na padanakin ang dugo ng Muslim maliban sa Kāfir. Pagkatapos ay ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ipaabot ito ng nakasaksi sa nakaliban. Nangangahulugan ito na ipaabot ng sinumang nakasaksi sa kanya at nakarinig sa talumpati niya sa nalalabi sa Kalipunang Islām. Ipinabatid niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na marahil ang pinaabutan ay higit na nakatatalos sa pananalita kaysa sa nakarinig. Ang tagubiling ito mula sa Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay isang tagubilin para sa sinumang nakadalo sa araw na iyon at isang tagubilin para sa sinumang nakarinig sa pananalita niya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makinig, naipaabot ko ba? Makinig, naipaabot ko ba?" Tinatanong niya ang mga kasamahan, malugod si Allāh sa kanila. Nagsabi sila: "Opo; naipaabot mo po." Kaya nagsabi siya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga: "O Allāh, sumaksi Ka."

التصنيفات

Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito, Mga Okasyong Paulit-ulit, Ang mga Patakaran sa Masjid Ḥarām, Masjid Nabawīy, at Masjid Bayt Maqdis