Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

106- Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya,Nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan) ang lahat ng gawain ng anak ni Adam ay sa kanya,Maliban sa pag aayuno,sapagkat ito ay sa Akin, At Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,ang pag aayuno ay Panangga,kapag sa araw na nag aayuno ang isa sa inyo,huwag magsalita ng masasama,at huwag makipagtalo,at kapag nangutya ang isa sa inyo o nakipag-away, Magsabi siya na:Ako ay Nag- aayuno:Sumpa man sa nagbigay ng buhay kay Muhammad: Ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas mabango para kay Allah,kaysa amoy ng pabango,Sa nag aayuno ay may dalawang kaligayahan na nakakapag-paligaya sa kanila,kapag naghaponan siya,naliligayahan siya sa paghahapunan niya,at kapag nakatagpo niya ang Panginoon niya,naliligayahan siya sa pag-aayuno niya,)).Napagkaisahan ang katumpakan,At ang pananalita na ito,ay salasay ni Imam Al-Bukharie.At sa salaysay mula sa kanya:((Iniiwan niya ang pagkain nito at inumin nito at pag-aasawa nito para sa akin,Ang Pag-aayuno ay sa akin at ako ang magbibigay ng gantimpala dito,at ang isang kabutihan ay katumbas ng sampu na katulad nito))At sa salaysay ni Imam Muslim:(Ang lahat ng mga gawain ng anak ni Adam ay pinaparami,At ang isang kabutihan ay katumbas ng sampung katulad nito,hanggang sa pitong-daang pagpaparami,Nagsabi ang Allah-Pagkataas-taas Niya:(Maliban sa Pag-aayuno,Sapagkat ito ay sa akin, at Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,iniiwan niya ang pag-aasawa nito at pagkain nito para sa Akin.Sa nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan:Kaligayahan sa paghahapunan niya(AlFitr),at kaligayahan sa pagtagpo niya sa Panginoon niya.At ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas-mabango para kay Allah kaysa amoy ng pabango.

149- Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah-pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan ,nagsabi sila sa propeta pagpalain siya ni Allah pagkataas-taas Niya at ang mag-anak niya at pangalagaan :O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala ,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.

177- ((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) Napag-kaisahan ang Katumpakan,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))

190- Ang Sugi ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagtalaga ng Pinuno sa mga hukbo o piraso sa mga hukbo,pinapayuan niya ito ng pagkatakot kay Allah,at ang sa mga kasamahan nito na mga Muslim,sa kabutihan.Nagsabi siya:(( Makipag-darambong kayo sa Pangalan ni Allah, sa daan ni Allah,makipaglaban kayo sa sinumang walang-pananampalataya kay Allah,makipaglaban kayo at huwag kayong manguha ng darambong,at huwag kayong lumabag sa napagkasunduan,at huwag kayong pumatay sa karumal-dumal na pamamaraan,at huwag kayong pumatay ng bata,at kapag nakaharap mo ang kalaban mo mula sa mga pagano,anyayahan mo sila sa tatlong katangin-o sa pamamagitan -At kahit na ano ang isinagot nila sa iyo,tanggapin mo ito mula sa kanila,at pigilan ang iyong kamay sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa Islam,at kapag sinagot ka nila ay tanggapin mo ito mula sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa paglipat mula sa mga tahanan nila papunta sa mga tahanan ng mga Nagsilikas(Madinah),At ibalita mo sa kanila,na kapag ginawa nila iyon,mapapa-sa kanila ang anumang para sa mga manlilikas(Muhajireen) at hindi mapapa-sa kanila ang hindi para sa mga manlilikas(Muhajireen),at kapag tumanggi sila na lumipat dito,ibalita mo sa kanila na sila ay magiging katulad ng mga Arabong Muslim,maipapatupad sa kanila ang Panuntunan ni Allah-pagkataas-taas Niya,at walang maibibigay sa kanila sa nadambong at sa Al-Fay(kayamanan na nakuha sa mga Kuffar na hindi nakuha sa pakikipaglaban) kahit konti.maliban kung makikipaglaban sila(sa daan ni Allah)kasama ang mga Muslim.At kapag sila ay tumanggi,singilin mo sa kanila ang Buwis,at kapag ito ay tinanggap nila sa iyo,tanggapin mo ito sa kanila,at pigilan mo ang iyong kamay sa kanila,at kapag sila ay tumanggi,humingi ka nang tulong kay Allah at makipaglaban ka sa kanila.At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,at ninais nila na ilagay mo sila sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng Propeta Niya,huwag mo silang ilagay sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta,Datapuwat ilagay mo sila sa Kasunduan mo at sa Kasunduan ng mga kasamahan mo,sapagkat ang paglabag sa Kasunduan ninyo at sa Kasunduan ng mga kasamahan ninyo ay mas magaan mula sa paglabag ninyo sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta ,At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,At ninais nila na ipataw mo sa kanila ang Panuntunan ni Allah,huwag mo itong ipataw sa kanila,ngunit ipataw mo sila sa panuntunan mo,sapagkat hindi mo napag-alaman,kung napag-wasto ba nila ang Panuntunan ni Allah o hindi.

378- Ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagtuturo sa amin ng istikhara sa lahat ng gawain,gaya ng pagtuturo niya sa amin ng sūrah ng Qur’an.Sinasabi niya: Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay ay magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi isinatungkuling [ṣalāh]. Pagkatapos ay sabihin niya:O Allah, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Humihiling ako sa Iyo ng kakayahan sa pamamagitan ng kakayahan Mo.Humihingi ako mula sa sukdulang kabutihang-loob Mo,sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya at hindi ako nakakakaya,at nakaaalam Ka at hindi ako nakaaalam at Ikaw ay ang pinakanakaaalam sa mga nakalingid.O Allah, kung nalalaman Mo na ang bagay na ito [banggitin dito ang kailangan] ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ay itakda Mo na mangyari ito sa akin at pagaanin Mo ito para sa akin, pagkatapos ay biyayaan Mo ako rito.Kung nalalaman Mo na ang bagay na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ilayo Mo ito sa akin at ilayo Mo ako rito, at itakda Mo na mangyari sa akin ang mabuti saan man ito,pagkatapos ay palugudin Mo ako dito. Hindi magsisi ang sinumang humingi ng patnubay sa Tagapalikha, sumangguni sa mga nilikhang mananampalataya,at nagpakatatag sa pasya niya sapagkat nagsabi Siya,Napakamaluwalhati Niya: at sanguniin mo sila sa usapin. Kaya kapag nagpasya ka ay manalig ka kay Allah.

565- At ayon Abe Al-Abbas Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila ay hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,nahadlangan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At ng dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag nagsasabi na:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng senyales sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Napagkaisahan ang katumpakan.Ang kahulugan ng ((nahadlangan)): Pinigilan nila ito upang gawing bisita nila.

634- Ayon kay `Abdullah bin Zaid,nagsabi siya; Nang ipag-utos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kampanilya na gamitin sa mga Tao upang magtipon para sa pagdarasal,umikot sa akin habang ako ay natutulog,ang isang lalaki na nagdadala ng kampanilya sa kamay niya,Nagsabi ako; O alipin ni Allah,ibinibinta moba ang kampanilya? Sinabi niya: Ano ang gagawin mo rito? Nagsabi ako; Ipang-aanyaya namin ito sa pagdarasal,Sinabi niya; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas mainam pa rito?Nagsabi ako sa kanya; Oo,Sinabi niya: Nagsabi siya; Sabihin mo; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa tagumpay,Humayo sa tagumpay,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Pagkatapos ay nagpahuli siya sa akin ng hindi kalayuan,pagkatapos ay sinabi niyang;At sabihin mo;Kapag itinidig mo ang pagdarasal; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah, Humayo sa pagdarasal, Humayo sa tagumpay,Tunay na ititindig ang pagdarasal,Tunay na ititindig ang pagdarasal,[ At sa isang salaysay; Kapag sa pagdarasal ng madaling-araw,sinasabi kong; Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog,Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog] ,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,At nang sa kina-umagahan,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi ko sa kanya ang nakita ko,Nagsabi siya; (( Katotohanang ito ay panaginip na totoo,Sa kapahintulutan ni Allah,tumindig ka kasama si Bilal,ibulong mo sa kanya ang nakita mo,at magtawag siya ng Azan gamit ito,sapagkat siya ay may mas-mainam na boses kaysa sa iyo)),Tumindig ako kasama si Bilal,at ibinubulong ko ito sa kanya,at binibigkas niya ito sa (pagtawag) ng Azan,Nagsabi siya; Narinig ito ni `Umar bin Al-Khattab,habang siya ay nasa loob ng bahay niya,lumabas siya na nakakaladkad ang damit nito,at sinasabi niya; Sumpa sa nagpadala sa iyo sa katotohanan O Sugo ni Allah,Tunay na nakita ko ang tulad ng nakita niya, Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (( Ang lahat ng Papuri ay kay Allah)) Sunan Abe Dawud

661- Ayon kay Rifa-ah bin Ra`fie Azzarqa,at siya ay kabilang sa mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:Dumating ang isang lalaki at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naka-upo sa Masjid.Nagdasal ito ng malapit sa kanya,pagkatapos ay pumunta siya at bumati sa kanya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal,Nagsabi siya: Bumalik siya at nagdasal tulad ng pagdarasal niya,pagkatapos ay pumunta siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niya sa kanya:Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal" Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,ituro mo sa akin kung paano ang gagawin ko,Nagsabi siya:" Kapag nakaharap ka sa Qiblah,ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,pagkatapos ay basahin mo ang Ummul Qur-an(Fatihah),pagkatapos ay basahin mo ang kahit anong nais mo,kapag yumuko ka,ilagay mo ang dalawang palad mo sa dalawang tuhod mo,ituwid mo ang iyong likod at manatili ka sa pagyuko mo,kapag itinaas mo ang ulo mo,ituwid mo ang gulugod mo hanggang sa bumalik ang mga buto sa kasukasuan nito,at kapag nagpatirapa ka,manatili ka sa pagtirapa mo,at kapag itinaas mo ang ulo mo,umupo ka sa hita mong kaliwa,pagkatapos ay gawin mo ito sa bawat pagyuko at pagpatirapa.Musnad ni Imam Ahmad.At sa isang salaysay:((Tunay na hindi magiging ganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa maging ganap sa kanya ang Wudhu tulad ng ipinag-utos sa kanya ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,huhugasan niya ang mukha nito at kamay nito hanggang sa dalawang siko,at hahaplusin niya ang ulo nito at dalawang paa nito hanggang sa bukong-bukong,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at purihin niya Siya,pagkatapos ay magbasa siya ng Qur-an,sa anumang ipinahintulot sa kanya dito at magaan,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at magpatirapa siya at panatilihin niya ang mukha nito-at siguro ay nagsabi siya: Ang Noo nito sa lupa-hanggang sa mapanatag sa mga kasukasuan nito at makapag-pahinga,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at tumuwid siya na naka-upo sa inu-upuan niya at ituwid niya ang gulugod nito.Inilarawan niya na ganito ang pagdarasal sa apat na tindig,pagkatapos,hindi magiging ganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa gawin niya ito,Sunan Abe Dawud, At sa isang salaysay:((Mag wudhu ka tulad ng ipinag-utos sa iyo ni Allah- kapita-pitagan at kamahal-mahalan,pagkatapos ay magsagawa ka ng Tashahhud,tumindig ka pagkatapos ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,At kung may naisa-ulo ka sa Qur-an ay basahin ito,At kung wala ay bigkasin ang Alhamdulillah at Allahu Akbar at La Ilaha Illa Llah)) Sunan Abe Dawud

662- Ayon kay Muhammad bin `Ata,Nagsabi siya:Narinig ko si Aba Humayd Al-Sa`edi,sa Sampu,mula sa mga Kasamahan ng mga Propeta,kabilang sa kanila si Abu Qatada,Nagsabi si Abu Humayd: Ako ang mas higit na nakaka-alam sa inyo sa (Pamamaraan ng) pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-Nagsabi sila?At bakit naman?Sumpa kay Allah; Hindi ikaw ang mas madalas, kaysa sa amin na sa kanya ay sumusunod at hindi rin mas nauuna sa amin, na sa kanya ay nakasama,Nagsabi siya: Oo.Nagsabi sila: Ipakita mo, Nagsabi siya: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber hanggang sa mapanatag ang lahat ng mga buto sa kinalalagyan nito nang matuwid,Pagkatapos ay magbabasa siya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber,at itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay yuyuko siya,at ilalagay niya ang dalawang kamay niya sa dalawang tuhod niya,pagkatapos ay pinagpapantay niya ito,hindi niya ibinababa ang ulo nito at hindi itinataas,Pagkatapos ay ini-aangat niya ang ulo niya at sinasabing: Narinig ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,pagkatapos ay itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya nang matuwid,Pagkatapos ay sasabihin niyang: Ang Allah ay Dakila;Pagkatapos ay bababa siya sa lupa,at inilalayo nito ang dalawang kamay niya sa tagiliran niya,Pagkatapos ay ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito,At binubuka nito ang mga daliri ng dalawang paa niya kapag siya ay nakapagtirapa,at nagpatirapa siya,Pagkatapos ay sinasabi niya: Ang Allah ay Dakila,at ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito hanggang sa bumalik ang lahat ng buto sa kinalalagyan nito,Pagkatapos ay ginagawa niya sa iba ang tulad nito,Pagkatapos,Kapag siya ay tumindig mula sa ikalawang tindig,magsasagawa siya ng Takber,at itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya tulad ng pagsasagawa niya ng Takber sa Pagbubukas ng Pagdarasal,Pagkatapos ay ginagawa niya ito sa mga natitirang pagdarasal niya,Kapag ang pagpapatirapa ay may kasunod na pagsasagawa ng Taslem,Ipinagpapahuli niya ang kaliwang paa nito at umuupo siya na (nakasandal sa balakang) sa may bandang kaliwa.Nagsabi sila:Katotohanan,Ganyan ang Pagdadasal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sunan Abu Dawud [ Pinagmulan nito ay si Imam Al-Bukharie]

700- Ayon kay 'Abdullah bin 'Abdullah bin 'Utbah,Nagsabi siya:Pumasok Ako kay 'Aishah,sinabi ko sa kanya: Hindi moba sasabihin sa akin ang sakit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Oo,Lumalala ng ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Nakapagdasal naba ang mga Tao?))Nagsabi kami: Hindi pa,hinihintay ka nila,Nagsabi siya;(( Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya:(Aisha):Ginawa namin,naligo siya at pumunta siya upang isagawa (ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos ay nagkamalay siya,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Nakapagdasal naba ang mga tao?))Nagsabi Kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo,O Sugo ni Allah,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya ( 'Aishah): Umupo siya at naligo,pagkatapos ay pumunta upang isagawa ( ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,Pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:(( Nakapag-dasal mana ang mga Tao?)) Nagsabi kami:Hindi pa O Sugo ni Allah, sila ay naghihintay sa iyo,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa Timba)) umupo siya at naligo siya,pagkatapos ay pumunta upang isagawa (ang dasal, ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:((Nakapagdasal naba ang mga Tao?)) Nagsabi kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo, O Sugo ni Allah,at ang mga Tao ay nanatili sa loob ng Masjid,hinihintay nila ang Propeta sumakanya ang pangangalaga sa pagdarasal ng Eishah na pang-huli,Nagpadala ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abū Bakar,upang (sabihing) magdasal siya sa mga Tao,dumating sa kanya ang sugo at nagsabi: Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa iyo na magdasal ka sa mga Tao,Ang sabi ni AbūBakar-at siya ay lalaking maripok-O 'Umar,magdasal ka sa mga Tao,Nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ang mas karapat-dapat dito,Kaya't nagdasal si AbūBakar sa mga araw na yaon,hanggang sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nakita niya sa kanyang sarili ang pagkasigla,Lumabas siya sa pagitan ng dalawang kalalakihan,una ay si 'Abbās upang magdasal ng Dhuhr,Habang si AbūBakar ay nagdarasal para sa mga tao,at nang makita siya ni AbūBakar,pumunta siya upang ipagpahuli,Nagpahiwatig sa kanya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na huwag magpahuli,Nagsabi siya:umupo kayong dalawa sa tabi niya,at umupo silang dalawa sa tabi ni AbūBakar: Nagsabi siya:At si AbūBakar ay nagdadasal na siya ay sumusunod sa pagdadasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Habang ang mga Tao ay (sumusunod) sa pagdadasal ni AbūBakar,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay naka-upo,Nagsabi si 'Ubaydallah:Pumasok Ako kay 'Abdullah bin 'Abbās at sinabi ko sa kanya: Gusto mobang sabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni 'Aishah tungkol sa sakit ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Sabihin mo,at sinabi ko sa kanya ang sinabi niya,At wala siyang tinanggihan sa mga bagay na ito liban sa sinabi niyang: Pinangalanan ba niya sa iyo ang lalaking kasama ni 'Abbās, Nagsabi ako: Hindi,Nagsabi siya: Siya si 'Alī malugod si Allah sa kanya Saheh Al-Bukhari

765- Dumating sa akin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dadalaw sa akin sa taon ng hajj ng pamama-alam,dahil sa pagtindi ng sakit sa akin.sinabi ko sa sugo ni Allah,umabot na ako mula sa matinding sakit na nakikita mo,at ako ay nag-aari ng maraming kayamanan,at wala akong tagapag-mana maliban sa nag-iisang anak na babae,ipag-kakawang-gawa koba ang dalawang-tatlong bahagi ng kayamanan ko?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: Ang kalahati nito O Sugo ni Allah?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: ang tatlong bahagi nito?Nagsabi siya: oo ang tatlong bahagi nito,at ang tatlong bahagi ay marami na; At katotohanan sa iyo na ang pag-iwan mo sa mga tagapagmana mong mayayaman ay mas mainam sa pag-iwan mo sa mga pamilyang namamalad sa mga tao, at wala kang gugugulin mula sa iyong kawang-gawa na hinahangad ang kaluguran ni Allah maliban sa ginagantimpalaan ito,kahit ang ginagawa mo sa asawa mo.Nagsabi siya:Sinabi ko O Sugo ni Allah,maiiwan ba ako ng mga kasamahan ko?Nagsabi siya:Hinding-hindi ka maiiwan,at makakagawa ka ng gawain na hinahangad mo ang kaluguran ni Allah maliban sa madadag-dagan dahil dito ang iyong antas at kadakilaan.At Marahil kung ikaw man ay maiiwan ngunit makikinabang dahil sa iyo ang mga tao at mapipinsala dahil sa iyo ang mga iba O Allah pangyarihin mo para sa mga kasamahan ko ang paglikas nila at huwag mo silang pabalikin sa mga pinagdaanan nila ngunit ang sawi ay so Sa'd bin Khawlah (Nagluksa para sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na namatay ito sa Makkah.

823- Ayon kay Abe Hurayrah.Nagsabi siya:Nagpadala ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Kabayo sa mga Najd,Dumating ito sakay ng isang lalaking nagmula sa Tribo ng Hanifah na ang tinatawag sa kanya ay Thumamah bin `Uthal,ang pinuno ng Tribo ng Al-Yamamah,itinali nila ito sa haligi mula sa mga haligi ng Masjid,Lumabas sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?))Nagsabi siya: Mayroon ako O Muhammad,Kabutihan,Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,at kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka, ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Walang mayroon sa akin maliban sa tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka at mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Pakawalan niyo si Thumamah)),Humayo siya sa puno ng Palmera na malapit sa Masjid,at naligo siya,Pagkatapos ay pumasok siya sa Masjid at nagsabi siya: Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah,at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay alipin nito at Sugo nito; O Muhammad,Sumpa sa Allah,Wala sa ibabaw ng kalupaan,ang mukhang pinaka-mumunghi para sa akin maliban sa mukha mo,at tunay na ang pagmumukha mo ngayon ang pinaka-mamahal sa lahat ng mukha para sa akin,at walang ibang Reliyon ang pinakamumunghi para sa akin maliban sa iyong Relihiyon,at ngayon ay naging ang Relihiyon mo ang pinaka-mamahal sa lahat ng mga Relihiyon para sa akin,Sumpa kay Allah,Walang ibang Lugar ang pinaka-mumunghi para sa akin maliban saLugar mo,at ngayon naging ang Lugar mo,ang pinaka-mamahal sa lahat ng Lugar para sa akin,at tunay na ang kabayo mo ay kumuha sa akin,at gusto kong magsagawa ng Umrah,ano sa tingin mo?Ibinalita sa kanya (ang magandang balita) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinag-utos nito sa kanya na magsagawa ng Umrah,At nang dumating siya sa Meccah,nagsabi sa kanya ang tagapag-salita: Natulad ka ba sa kanya,Nagsabi siya:Hindi,Ngunit yumakap ako (sa Islam) kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At Hindi,! Sumpa kay Allah,Hindi darating sa inyo mula sa Yamamah ang kahit isang butil ng trigo hanggang sa ito`y ipahintulot ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Saheh Muslim

825- Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahil sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya-Saheh Al-Bukharie