Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangin:((O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo sa mga kaparusahan ng libingan,at mga kaparuhan ng Impiyerno,at mula sa mga pagsubok at pagdurusa ng buhay at [pagdurusa] sa kamatayan, at mula sa mga pagsubok ng Al-Masēh Ad-dajāl…

Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangin:((O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo sa mga kaparusahan ng libingan,at mga kaparuhan ng Impiyerno,at mula sa mga pagsubok at pagdurusa ng buhay at [pagdurusa] sa kamatayan, at mula sa mga pagsubok ng Al-Masēh Ad-dajāl [Bulaang-kristo]

Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-siya ay Nagsabi:(( Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangin:((O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo sa mga kaparusahan ng libingan,at mga kaparuhan ng Impiyerno,at mula sa mga pagsubok at pagdurusa ng buhay at [pagdurusa] sa kamatayan, at mula sa mga pagsubok ng Al-Masēh Ad-dajāl [Bulaang-kristo]At sa pananalita ni Imām Muslīm:((Kapag nagsagawa ng Tashahhud ang isa sa inyo,magpakupkop siya sa Allah mula sa apat: Sabihin niyang: O Allah ! Ako ay nagpapakupkop sa iyo mula sa kaparuhan ng Impiyerno.)) Pagkatapos ay binanggit niya ang mga tulad pa nito.

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Nagpakupkop ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa apat na bagay,at ipinag-utos niya sa atin na magpakupkop tayo sa Allah rito sa pagsasagawa natin ng Tashahhud sa pagdarasal,mula sa apat na bagay na ito,;mula sa kaparusahan ng libingan,kaparusahan ng Impiyerno,at sa mga pagnanasa ng sarili sa mundo at sa kasamaan nito ,at mula sa pagsubok ng kamatayan,Nagpakupkop siya mula rito dahil sa tindi ng panganib nito,at mula sa pagsubok [pagdurusa] ng buhay sa pagsubok ng mga Dajjāl na silang naglilitawan sa mga tao,sa larawan ng katotohanan,habang sila gumagawa ng mga kasalanan,At ang pinakamalaking pagsubok sa kanila, kung saan ito ay napagkaisahan sa katumpakan; ang paglabas niya sa Huling panahon ;ito si Masēh Dajjāl-kaya't mag-isa niya itong binanggit.

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Ṣalāh, Ang mga Dhikr sa Ṣalāh