Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}

Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang taong lubos sa pakikiugnay sa kaanak at paggawa ng maganda sa mga kamag-anak ay hindi ang taong nakikipagtumbasan sa paggawa ng maganda ng paggawa ng maganda; bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak nang tunay na lubos sa pakipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon. Kahit pa gumawa sila ng masagwa sa kanya, tunay na siya ay nakikipagtumbasan sa kanila ng paggawa ng maganda sa kanila.

فوائد الحديث

Ang naisasaalang-alang na pakikipag-ugnayan sa kaanak ayon sa Kapahayagan ay makipag-ugnayan ka sa sinumang pumutol ng kaugnayang pangkaanak sa iyo kabilang sa kanila at magpaumanhin ka sa sinumang lumabag sa katarungan sa iyo kabilang sa mga kaanak mo. Ang pakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang pakikipagtumbasan at ang pakikipaggantihan.

Ang pakikipag-ugnayan sa kaanak ay nangyayari sa pamamagitan ng pagpaparating ng anumang naisaposible na kabutihan gaya ng salapi, panalangin, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, at tulad ng mga ito; at ng pagtulak ng anumang naisaposible na kasamaan palayo sa kanila.

التصنيفات

Ang Lipunang Muslim