إعدادات العرض
Ang Paraan ng Pagpaligo Mula sa Janābah
Ang Paraan ng Pagpaligo Mula sa Janābah
Ayon kay Maymūnah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Naglagay ako para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pampaligo saka nagtakip ako sa kanya ng isang kasuutan. Nagbuhos siya sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito. Pagkatapos nagbuhos siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas siya ng ari niya saka tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito roon. Pagkatapos naghugas siya nito saka nagmumog siya at suminghot [ng tubig], naghugas siya ng mukha niya, at mga braso niya. Pagkatapos nagbuhos siya sa ulo niya at nagpasagana siya nito sa katawan niya. Pagkatapos tumabi siya saka naghugas ng mga paa niya saka nag-abot naman ako sa kanya ng isang kasuutan ngunit hindi niya kinuha ito saka lumisan siya habang siya ay nagpapagpag ng mga kamay niya.}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili සිංහල دری অসমীয়া Svenska Кыргызча Yorùbá ગુજરાતી नेपाली മലയാളം Română Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Lietuvių Македонски Azərbaycan Wolof Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ ភាសាខ្មែរ Shqip தமிழ்الشرح
Nagpabatid ang ina ng mga mananampalataya na si Maymūnah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa paraan ng pagpaligo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa janābah yayamang naglagay ito para sa kanya ng tubig upang ipampaligo niya at nagtakip ito sa kanya ng isang panakip. Kaya gumawa naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sumusunod: A. Nagbuhos siya ng tubig sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito bago siya nagpasok ng mga ito sa lalagyan ng tubig. B. Nagbuhos siya ng tubig sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas ng ari niya para maglinis nito mula sa anumang kumapit dito na bakas ng janābah. C. Tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito, pagkatapos naghugas nito upang maalis ang dumi buhat dito. D. Nagmumog siya sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa bibig niya, pagpapakilos ng tubig, at pagpapaikot nito, pagkatapos pagbuga ito. Suminghot siya ng tubig sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa ilong niya sa pamamagitan ng hininga niya, pagkatapos pagpapalabas nito upang maglinis nito. E. Naghugas siya ng mukha niya at mga braso niya. F. Nagbuhos siya ng tubig sa ulo niya. G. Nagbuhos siya ng tubig sa nalalabi sa katawan niya. H. Lumipat siya mula sa puwesto niya saka naghugas siya ng mga paa niya sa ibang puwesto kung saan hindi siya naghugas ng mga ito bago pa niyan. Pagkatapos naghatid ang maybahay niya ng isang tela upang ipampunas niya ngunit hindi niya kinuha ito at nagsimula siya na magpunas ng tubig paalis sa katawan niya sa pamamagitan ng mga kamay niya at magpagpag nito.فوائد الحديث
Ang pagpapahalaga ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paglalarawan sa pinakaeksakto sa mga detalye ng buhay niya bilang pagtuturo sa Kalipunang Islām.
Ang paraang ito ng pagpaligo ay isa mga pamamaraan na napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa paraan ng kumpletong pagpaligo dahil sa janābah. Hinggil naman sa paraang nakasasapat, ito ay na magbuhos ng tubig sa buong katawan kasama ng pagmumumog at pagsinghot ng tubig.
Ang pagpupunas sa katawan sa pamamagitan ng isang tela o ang hindi pagpupunas dito matapos ng paligo o wuḍū' ay pinapayagan.
التصنيفات
Ang Ghusl