إعدادات العرض
Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}
Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە தமிழ் ไทย دری Български Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda тоҷикӣ O‘zbek Akan नेपाली Moore Azərbaycan Wolof Oromoo Soomaali Українська bm km rn ქართული Македонски Српски Lingalaالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang limang dasal na isinasatungkulin sa araw at gabi, ang dasal sa Biyernes sa bawat linggo, at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa bawat taon ay mga tagatakip-sala ng nasa pagitan ng mga ito na maliliit na mga pagkakasala ayon sa kundisyon ng pag-iwas sa malalaking kasalanan. Hinggil sa malalaking kasalanan gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak, hindi natatakpang-sala ang mga ito kundi sa pamamagitan ng pagbabalik-loob (tawbah).فوائد الحديث
Ang mga pagkakasala ay mayroon sa mga ito na maliliit at mayroon sa mga ito na malalaki.
Ang pagtatakip-sala sa maliliit na kasalanan ay kinukundisyunan ng pagkaiwas sa malalaking kasalanan.
Ang malalaking kasalanan ay ang mga pagkakasala na may nasaad kaugnay sa mga ito na isang takdang parusa sa Mundo o may dumating kaugnay sa mga ito na isang banta sa Kabilang-buhay ng pagdurusa o galit ni Allāh, o nagkaroon dito ng isang pagbibigay-banta o isang pagsumpa sa tagagawa ng mga ito, gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak.